Kaunting breast milk

Hello po. Kakapanganak ko lang po last March 7. Nahihirapan po ako kasi kaunti lang bmilk ko. Pag mag pump po ako both dede na ay parang 3-5 tbsp all in all lang po yung nakukuha ko. Napapaiyak na lang ako kasi may time na wala talaga nalabas. Ano po ba effective na pampadami ng bmilk? Napepressure na ako sa in-laws ko at sa iba kasi parang kasalanan ko na kaunti lang nalabas. Puro may sabaw na po kinakain ko, nainom na ako ng m2 pero ganun pa rin ?

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mii. Kasing laki palang po ng calamansi ang tyan ni baby. Hindi po niya need ng sobrang daming gatas. Also, iba po ang output natin sa pump at actual breastfeeding. Wag po kayo mastress sa pag pump kasi nakakabawas din po ng output yung stress. Mag pa unli latch ka lang po kay baby. Mas effective po yun kesa sa mga gamot or sabaw sabaw. Di po talaga ganun kadami sa umpisa. If normal naman po yung pag pupu and wiwi ni baby, ibig sabihin enough po yung nakukuha niya sayo.

Magbasa pa