Kaunting breast milk

Hello po. Kakapanganak ko lang po last March 7. Nahihirapan po ako kasi kaunti lang bmilk ko. Pag mag pump po ako both dede na ay parang 3-5 tbsp all in all lang po yung nakukuha ko. Napapaiyak na lang ako kasi may time na wala talaga nalabas. Ano po ba effective na pampadami ng bmilk? Napepressure na ako sa in-laws ko at sa iba kasi parang kasalanan ko na kaunti lang nalabas. Puro may sabaw na po kinakain ko, nainom na ako ng m2 pero ganun pa rin 😢

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh, wag ka mastress lalo kokonti bm mo.. okay lng po yan na kaunti pa.lng bm mo kasi ang newborn daw kasing laki lng calamansi ang tummy padirect latch ka lng kay baby habang lumalaki si baby mas lumalaki demand nya sa bm mo at dadami rn yang bm mo tiwala lng po. ang pagpump daw po ay after 6weeks pagkapanganak dahil maaga ka po nagpump may possibility na magover supply ka po pag katagalan based sa mga experience ng mga nabasa ko po.

Magbasa pa