Kaunting breast milk

Hello po. Kakapanganak ko lang po last March 7. Nahihirapan po ako kasi kaunti lang bmilk ko. Pag mag pump po ako both dede na ay parang 3-5 tbsp all in all lang po yung nakukuha ko. Napapaiyak na lang ako kasi may time na wala talaga nalabas. Ano po ba effective na pampadami ng bmilk? Napepressure na ako sa in-laws ko at sa iba kasi parang kasalanan ko na kaunti lang nalabas. Puro may sabaw na po kinakain ko, nainom na ako ng m2 pero ganun pa rin 😢

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Share ko mga natutunan ko as First time Mom -direct latch is the key talaga -natural lang kaunti pa lang milk mo dahil sobrang liit pa ng stomach ni baby para sa madaming gatas kasing liit palang ng calamansi -kaya laging gutom si baby dahil mas mabilis maabsorb ng katawan ng baby ang breast milk - naka depende ang supply ng milk mo sa demand ni baby mo - kung hindi talaga makakuha ng milk gamit ang pump, malamang kailangan mo ng tamang flange size or di talaga kaya breastfriend ng pump mo -follow a routine if ippush mo mag pump do the magic 8 i search mo nalang how. - Ignore your inlaws at other people ikaw nanay ikaw masusunod breastmilk padin ang pinaka BEST milk

Magbasa pa