Kaunting breast milk

Hello po. Kakapanganak ko lang po last March 7. Nahihirapan po ako kasi kaunti lang bmilk ko. Pag mag pump po ako both dede na ay parang 3-5 tbsp all in all lang po yung nakukuha ko. Napapaiyak na lang ako kasi may time na wala talaga nalabas. Ano po ba effective na pampadami ng bmilk? Napepressure na ako sa in-laws ko at sa iba kasi parang kasalanan ko na kaunti lang nalabas. Puro may sabaw na po kinakain ko, nainom na ako ng m2 pero ganun pa rin đŸ˜ĸ

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakapanganak ako ng March 9, and sa case ko tulo ng tulo na ang breastmilk ko ngayon, as in nalulunod na si baby minsan kada latch nya at nagcacatch na ko lagi gamit yung breast shells., no pumping, sabi ng ob ko at pedia ng baby ko nung nasa hospital ako, wag daw gamitan ng pump agad kasi ang breastmilk for 1st 1-4days ginawa talaga syang konti kasi ang stomach ng newborn na 1-4days ay kasing laki lang ng kalamansi... minsan akala natin wala silang nadedede, naffrustrate ang nanay, nagcacause ng mas mahinang supply.. pag pinump mo agad tapos di tama ang pressure ng pump na ginamit (nilagay mo agad sa high pressure kasi thinking e pag malakas ang pressure, mas marami lalabas) lalong mawawala yung supply., yan din po sabi sakin nung lactation consultant na nagdemo sakin nun bago ako madischarge. ganyan ako sa 1st 2days ko, talagang nagopen up ako sa pedia ni baby at sa ob ko, kaya nirefer ako sa lactation consultant. feeling ko nun di nakakadede si baby ko, parangbdi nasasatisfy. pero nung nagstart ako magmonitor ng ihi at dumi nya, meron so meaning daw nun e meron syang nadedede talaga. si pedia ni baby ko ayaw magformula or mixed feeding kasi hanggat di nya nakikita yung 1week na tyagaan ko magbreastfeed.. wag kang mastress sis.. swear, negative na thinking at stress, nakakawala talaga. kahit anong inom mo ng mga pampagatas, kain etc walang silbi yun kung di tama ang latching at yung mindset mo, negative lagi nadedetect ng katawan. yan bilin sakin njng lactation consultant. as of now, 6 days na baby ko, and sobrang dami na ng milk ko, wala akong tinitake na capsules, basta gatas lang ako at tubig, sabaw, tapos tulog hanggat kaya ko pag tulog ni baby itutulog at ipapahinga ko at nasa isip ko "marami akong gatas para kay baby"

Magbasa pa
1y ago

Yes ganyan din sabi sakin ng midwife no pump muna sa unang weeks kasi di pa naman need ng baby na maraming gatas basta unli latch lang