38weeks and 2days

Hello po , so ito na ako nanamn ang magshare :) EDD: march 8,2020 DOB: Feb 25, 2020 Via NSD Nagwowork parin ako and naghihintay nalang na magspot saka ako babyahe papunta saamin para dun na manganak so bale mga 2hrs pa ang byahe 12am nagising ako para umihi then nakita ko sa panty ko na may kunting blood so nagdecide akong magbyahe papunta saamin ng mga 3am bale ung interval ng labor ko nasa 5mins na pero tolerable.. nakarating ako saamin ng 5am, kumain at naligo pa ako then sabay walking2 and squat2 ... at exactly 8am pumunta na kami ng hospital.. ini.e ako and nasa 6to7cm na pala ako .. after i.e saakin mga 5mins pumutok panubigan ko ... so pumunta na kami sa Recovery room and duun pinawalking2 nanamn nila ako at squat .. Tolerable ang sakit nahalos nakakasmile pa ako at nakakausap ng tatay ko .. mga 9am ini.e nanamn ako , ayun nasa 9cm na ako ... pinasok na ako sa delivery room, 9:15 nung dumating ang doctor and ini.e ulit ako and 10cm na ako so ready na ako sa pag ire. .. hanggang sa 10:4p lumabas na si baby ko .. 2kg baby boy ang bilis ng pagdilate pero tagal lumabas ni baby kasi nawawala ung sakit ng tyan ko .. and di pa ganu kasakit kahit nasa 10cm na ako .. Dasal ako ng dasal na sana lumabas na siya para makaraos at makita na sya ? buti nalang at lumabas na sya di na ako pinahirapan pa ....

38weeks and 2days
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po 😊

VIP Member

Congrats