My Baby Boy is Out!? 37weeks and 6days

EDD: February 7, 2020 DOB: January 23, 2020 11AM 2.9 klgs via NSD❤ January 21 ng gabi nang mag simulang sumakit na puson ko akala ko lamig lang kaya binalewala ko hanggang sa January 22 ng hating gabi, 5 minutes na yung interval ng contractions ko kaya nagpasya ako na magpa hospital na, 11AM ini-E ako 4cm na pala ako, and active labor na din mga bandang 5pm 5cm na, so niadmit nako, mga 10pm 6cm na, yung contractions ko sobrang sakit na, until 3am 8cm nako, then 5am 9cm na pero na stock ako sa 9cm until mga 10am 10cm nako, grabe yung contractions 2minutes ang interval napakasakit? pero atlast at exactly 11AM January 23, 2020 i give birth to my baby boy gaining 2.9 klgs via normal delivery with no tahi hehe nakakaproud pala pag na normal mo yung baby mo, but no offense especially to the CS mothers mas nakakahanga kayo?? Goodluck sa mga mamshie na di pa nanganganak?❤ Meet my Enzo Roronoa P. Yanson❤❤ iloveyou nak!?

My Baby Boy is Out!? 37weeks and 6days
103 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pano po yung feeling ng contraction nyo second baby kona to pero diko alam pano ba yung sakit ng contraction 40weeks and 1day nako dipa den nakakaraos iniisip ko baka mataas pain tolerance ko kasi may pag hilab na ren ako nararamdaman minsan pero binabaliwala ko kasi para sakin di namansobrang sakit eh

Magbasa pa
5y ago

Basta mommy masakit balakang ko pus on ko nag sasabay silang dalawa🤪 yun na feel ko nung naglalabor na ako.

I just wanna ask. Bakit mas nakakaproud para sa ibang mommy pag normal? Diba mas na kaka proud pag CS? Kasi hihiwain ka at mas prone to death ka kasi andaming pwedeng mangyari kesa sa normal na pag ire? Still, I am hoping for normal delivery din just don't get it.

5y ago

Both are prone to death.. Mas nkkaproud lng maybe because normal delivery means it's in the natural way of giving birth, kumbaga it's the main process talaga..

VIP Member

Congrats! I prayed for a Normal delivery too, but I know my baby has a reason why she remained breech until her delivery. Cord coil din si baby ko po at 4x nakapulupot sakanya.🙏 Thanks G maayos naman naideliver via Emergency C-section

5y ago

Wow, congrats mamsh💓💓💓💓

congrats mamshie...😍❤ kami din naghihintay na lang.. dpat feb 26 edd ko pero masyado ng short ang cervix ko kya pina bedrest ako since jan.13. hindi pa fullterm baby eh. congrats sa inyo.. Welcome to da world baby cutiee

5y ago

Salamat po mamsh hehe goodluck po💖💖

Congrats po. Ano po ginawa niyo during 3rd trimester? EDD ko po kse is on April 26, kso sbe ng OB baka mas maaga ng last week of march or 1st-2nd wk ng April ako manganak.

5y ago

Lakad2 lang po hehe yung naglalabor na ako habang humihilab yung tiyan ko sinasabayan ko mag squats hehe

VIP Member

congrats mom,sken kasi 8cm plang pinipilit na nila na ilabas ko si LO ko, kaso nahihirapan parin ako..kaya nung 9cm na pinilit prin nila kaya may tahi ako..

Ang cute ng name 😁 sana hindi rin siya maligawin tulad ng pinagkuhanan ng name niya hahaha RORONOA ZORO (One Piece) tama ba, momshie?

5y ago

Opo haha yung husband ko po kase nagpangalan sa kanya😅🤣 one piece fan kase siya.

Buti ka pa naka raos na hehe ako malapit na rin.. Araw nalang inaantay ko hehe sobrang excited na rin ako😊

5y ago

Goodluck sis❤️🥰

congrats po .. same tayo ng EDD.. wala pa signs of labor , gusto ko nrn mkaraos .. ☺️

5y ago

Goodluck po sis💓

congrats mamsh!☺️ ano po pala app gamit nyo pang monitor ng contractions? thank u in advance :)

5y ago

thank you po.. Godbless 😊