Bqby 3months

Hi po. Itatanong ko lang po. may mga baby po ba na maliit po tingnan yung payat po siya, wala po yung layer ang braso niya? Sa mga nakikita ko po kasi na mga kasabayan niya ang tataba na po tas ang baby ko payat na mahaba.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ko alam pero nitong mga ilang araw, panay ganyan nababasa kong issue sa mga parents. Wag po nating ikumpara yung mga anak natin sa iba. Una, kada bata iba iba po talaga, iba iba ang built ng katawan ng mga yan. As long as hindi sakitin si baby at alam mong pasok siya sa age-weight range, hindi siya obese or malnourished, there’s nothing to worry about. At Kung ikaw sa sarili mo alam mo namang binibigay mo ang lahat for your baby, i dont think kailangan mong magpaapekto. Itigil po natin ang pagkukumpara ng anak natin sa iba, or ng iba sa ating anak. Talagang mastress ka lang. Magfocus tayo sa mga anak natin kung pano sila mapapalaki ng maayos at malusog. Sorry po mommy, no offence meant po dito sa comment ko, ako din kasi daming nagsasabi din payat yung anak ko, pero ako nginingitian ko nalang. Minsan nga sasabihin ko pa, “kaya sexy yan paglaki niya”. Pero pagkinarga nila sila din magsasabing mabigat at siksik. Never judge a book by it’s cover, as they say. Btw, formula milk baby ko since birth. ☺️

Magbasa pa

Same tayo , breast feed ako simula nung pinanganak ko si baby hanggang 3years old , Hindi sya tabain pero sabi ng midwife sa center ok lang daw na payat kasi siksik ang laman nun , saka napansin ko sknya hindi sya sakitin unlike sa ibang matataba na baby pero sakitin naman .. don’t worry mommy d ka nag iisa till now baby ko 4years old na pero payat pa din nevet sya nagkakasakit ..

Magbasa pa

Payatin yata tlaga pag breastfeed, like nung dalawang son ko. Ebf sila. Nung nbuntis ako sa 2nd baby ko nagstop si 1st born ko pero nung lumabas na si 2nd baby ko nagbreastfeed uli si 1st born ko, nag tandem feeding na sila. Napansin ko rn na nung ngstop si 1st born ko ngkakasakit na sya. Pero ngayon, ok na naman. Payat sila pero super bigat nila.

Magbasa pa

Hi Mommy! Depende kc yan kung breastfed or formula fed si baby. Sabi ng pedia namin, mas tendency ng formula fed na maging "longganisa". Hahaha! May mga baby books na pinoprovide ang mga pedias. Dun sa mga graphs don, makikita mo ung height vs weight kung average or below average si baby. Ang importante healthy si baby at hindi sakitin. ♥️👶😘

Magbasa pa
6y ago

Tataba din yan Mommy! 😘

VIP Member

It's normal. Baka po ang laki ng baby nyo is pahaba hindi palapad. As long as hindi sya malnourished or underweight there's nothing to worry about. Yung baby ko sobrang taba ng braso at hita pati mukha pero hindi sya gaanong mahaba.

Post reply image
6y ago

mahaba nga po itong baby ko. Baka nga rin po pahaba yung taba niya. worried lang kasi ako tas nasabayan pa ng insecure sa ibang baby.

TapFluencer

hi mommy kng sakto nmn po weight nya sya age nya nothing to worry about hnd po kelangan patabain c baby..as long as healthy po sya at dumede parin..oo nga ung iba mataba pro mahina nmn o d kaya nagkksakit.kya ok lng po yn

6y ago

search nui po sa google mommy meron po yan age and weight for baby

VIP Member

Breastfeed po ba kayo or formula? Kse kung breastfeed hndi po tlg sila tabain pero siksik yung katawan nila at mabigat sila. Compare sa formula milk iniinom tabain tignan pero hndi ganun kabigat

6y ago

naku wag nyo nlng po sila pansinin my ibang taong mejo insensitive ang hilig mgkumpara kala mo mdaling mging ina.

ganyan baby ko nung nag stop siya mag breastfeed (at nagsisi ako nun) so kung pwede don't stop breastfeeding him para healthy siya. (Pag breastfeed, sure healthy)

yung baby ko nung lumabas sya sakin ndi sya ganon kalaki 5.6 lbs lang sya ngayong 1 month na sya 8.2lbs na sya. Breastfeeding mom po ako ☺

Post reply image
VIP Member

iba iba naman po yung katawan ng babies. as long as hindi sakitin si baby nyo or nasa range yung bigat nya sa edad nya. okay lang po yon.