Nagsspotting po ako. Please help. 10weeks.
Hi po, inquire ko lng po if normal lang po ba na magdugo ako? Based po sa app na ito, ako po ay 10weeks preggy na, nde pa po ako nkakapagpacheck up kay OB ko kse po no clinic pa xa. Tpos po this morning 5:00am nagmotor po kme ng asawa ko. 1st time ko pong sumakay sa motor after 2mos quarantine. Then, ngaun lng po 5.17.2020 9:30am, nung umihi po ako, pagpunas ko po sa ano ko, may dugo na po. Please help me po mga momsh. Normal po ba ito? Mawawala po ba kaya ito agad? First time preggy po ako.
Maselan po ang 1st trimester nating mga mommies. Mataas po kasi ang chance ng miscarriage sa 1st trimester Kaya po advised na iwasan natin ang anumang pwede makatagtag at makapagod sa atin, tulad na din ng pagsakay sa motor. Hanggat di nyo pa po nakakausap ang OB nyo, bed rest na lang po muna kayo. Pwede po maglagay ng unan sa ilalim ng balakang habang elevated din ang mga paa. Bantayan pong maigi ang bleeding -- kulay, dami (kung nakakapuno po ba ng pad), texture (kung may kasamang pamumuo), at kung may kasamang pain. Pero sched na po kayo ng appointment w/ your OB as soon as possible. Safe pregnancy po! 🙏
Magbasa pa
Hoping for a child