1 Replies

Maselan po ang 1st trimester nating mga mommies. Mataas po kasi ang chance ng miscarriage sa 1st trimester Kaya po advised na iwasan natin ang anumang pwede makatagtag at makapagod sa atin, tulad na din ng pagsakay sa motor. Hanggat di nyo pa po nakakausap ang OB nyo, bed rest na lang po muna kayo. Pwede po maglagay ng unan sa ilalim ng balakang habang elevated din ang mga paa. Bantayan pong maigi ang bleeding -- kulay, dami (kung nakakapuno po ba ng pad), texture (kung may kasamang pamumuo), at kung may kasamang pain. Pero sched na po kayo ng appointment w/ your OB as soon as possible. Safe pregnancy po! 🙏

Hi sis, thank you po sa advise.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles