2 Replies

VIP Member

Nung 3rd trimester ko, polyhydramnios din po si baby. Isa 'yon sa reason kung bakit naging breech si baby kasi nakakalangoy parin siya sa dami ng panubigan. Worried kami kasi baka maCS ako kung di parin mababawasan. Sabi kasi ng OB ko, kapag polyhydramnios mahinang uminom si baby pero malakas umihi, possible na malunod siya kapag di nabawasan kaya araw-araw minomonitor yung heartbeat ng baby ko. Pero sabi rin naman niya habang lumalaki naman si baby, mababawasan naman daw yon at magleleak, ganun po nangyari sakin. May lumalabas sakin paunti-unti kaya naging normal po siya. Kaya lang po, no signs of labor parin hanggang 40weeks kaya induced na po ako kinabukasan kasi baka mapano na si baby. Ayun po, nagpoopoo na po siya sa loob pero di naman niya nakain. Nagkaroon din siya ng halak dahil sa dami ng panubigan niya pero nawala kinabukasan. Minsan po sumusulpot pero nawawala rin po agad.

Yung natunog po kapag nahinga ang baby.

Sis same tayo 33weeks marami din amniotic fluid si baby..musta na pu kayo ngayon..n Kailan ka manganganak

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles