Vomiting

Hi po im 3mos pregnant Normal lang po bang sumuka araw-araw at gabi gabi? Hirap na hirap na ako bawat kain ko parang isusuka ko lang. any tips po para hindi masuka ng madalas?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meron po talaga sobra maglihi same tayo. Hindi ako tulad ng ibang buntis na nagkicrave puro kontra ko yung pagkain. 1-3 months talaga yun kasagsagan ng paglilihi ko yung timbang ko na 56 klos nung di pa ako buntis naging 52 kilos nalang nung nagstart ako naglihi at 6weeks start. Hanggang 5 mos steady yung kilo ko. Kahit ngayon 6mos na ako nagsusuka padin ako paminsan minsan. Yung gawin mo lang paunti unti lang pagkain mo.. kahit ilang kutsara lang tas after ilang hours kain ka naman ulit.. tas maganda may prutas, sa akin saging yun lNg nakakain ko na hindi ako masyado nasusuka tas yung balat ng orange inaamoy ko pag feeling ko nasusuka ako. Always sleep in ur left side para di bumaliktad yung kinain mo. Lahat ng ma-sauce na pagkain nun kontra ko mga ginisa kahit prutas mnsan ok minsan hindi. Pati gatas ko di ko naiinom hanggang ngayon minsan ko lang naiinom pag ok pakiramdam ko. Kahit pandesal at biscuits sinusuka ko. Mas maganda sabihin ko sa ob mo kasi sakin niresitahan nya ako ng ob-min plus . Vitamins daw yun dahil kulang daw sa sustansya kinakain ko kasi lagi ko sinusuka mas mabuti may Vitamins para kahit papano may nakukuhang sustansya yung anak mo. At mas maganda sa kanya humingi ng advise

Magbasa pa

Sakin naman nagstart ako magsuka nung 4mos hnggng 6mos, ultimo tubig sinusuka ko rin,, nkkpagpatrigger sken ng Pagsusuka ung amoy ng ginisang bawang at sibuyas at sinaing, tas iniwasan ko muna kumaen ng pagkaeng malalasahan ko ung bawang at sibuyas. Tas dinalasan ko nlng pagkaen ng prutas instead of rice. Aun medyo nbawasAn pgssuka ko.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan ako non, sabi ng ob ko ia-admit ako kpg nagtuloy tuloy yong ganong sitwasyon ko. Ang advise nya, kumain mayat maya, paunti unti pero mayat maya. Huwag hahayaang makaramdam ng gutom kc nakakatrigger talaga ng pagsusuka at hilo. Nabawasan naman yong pagsusuka ko haggang eto naovercome ko na.

Ganyan din ako, kht 3 subo lng ng pagkain isinusuka ko pagtapos. Tapos pag sumuka na ko feeling ko busog na busog ako. Pero pag umiinom ako ng soya milk d kp sya sinusuka at pag mga maaasim ang kinakain ko d ko rin sinusuka.

Ganyan din ako till 7 months suka p din..lhat n kainjn ko suka..mg babad k ng yelo s bibig..tapos s umga warm water inumin u pa unti unti wag u bbiglain pra d bumalik.eat small amount biscuit wag hahayaan magutom..

Yes mommy. Ganyan nangyari sakin, kahit water or candy sinusuka ko. I was diagnosed with hyperemesis gravidarum, naka-admit ako for 4 days kasi pati meds namin ni baby sinusuka. Best to consult with your OB. ☺️

5y ago

Ganyan din ako pag uminom ako ng gamot nasusuka din ako . Grabe nga po

VIP Member

Salamat po sa sagot nyo ask my ob baka meron din bigay na vitamins pero hindi naman po ako pumapayat hirap na hirap lang ako kumain kasi after kumain mafefeel ko na suka. Sana matapos na paglilihi ko.

Yes po normal lang. For the mean time, kain po kayo ng biscuit and warm milk para mabawasan pagsusuka. Then frequent meals lang din po. Ganun po tlga sa first tri and minsan bumabalik pg 3rd tri na.

ganian aq sis hanggang mag 4months kinakaen q lang biscuit saging gatas tinapay mga ganun kc ung kanin sinusuka q din eh kaya anlaki ng baba ng timbang q pero ung mag 5months aq dun aq bumawo

Ganun din po ako 9 weeks preggy. minsan natatakot ako kumain kasi susuka na naman ako ..pero pinipilit ko importanti magkalaman yung tyan at mkakain din si baby sa tyan ko..