OGTT TEST WHEN

hello po, ilang weeks po ang tiyan bago magpatest po ng ogtt?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

2nd tri and 3rd tri ako pinagOGTT ng OB ko. Wala akong history ng diabetes before getting pregnant. The reason why twice po pinaulit or maybe thrice (depends sa history ni mommy) is because, habang tumatagal tayo sa pagbubuntis mas mataas po ang tolerance ng mommy sa sugar. Hindi porket tapos na sa OGTT nung una, e magiging okay na sa latter part ng pregnancy. ☺️

Magbasa pa

Usually 2nd trimester mga 20weeks above yan.. Para incase na may GDM madetect ng maaga at macontrol as early as possible.. Ako mas maaga pina OGTT ng OB ko since may family history ako sa father ko.. At unluckily meron nga ako GDM pero atleast nacontrol ng mas maaga thru diet lang..

ako po 15 weeks, mas pina aga, kasi po may history mother side ko ng diabetes, kinamatay po ng lola ko, pero dapat po sana 22 weeks yun gagawin.. gusto ng Doctor ko malaman agad at ma treat kung may sugar problem po ako.

Usually 2nd trimester po yan pero sa panahon kasi ngayon may mga OB po na 1st tri pa lang pinapagawa na then uulitin ulit ng 2nd tri, since lumalaki na si baby- sa case ko 8weeks ako nun then ngayong malapit na mag 22weeks

Yung sa case ko po at 20 weeks nagrequest na po OB ko ng ogtt. Pero dependa pa rin po sa OB mo, check mo po sa kanya kung kailan ipapagawa.

pinagtitest po madalas mga nakikitaan na pamamanas habang nagbubuntis o may nakitang trace ng sugar sa ihi during laboratory ng 1st trimester.

Depende po siguro yun. Ako kasi 27wks na di pa nag ogtt. Yung fbs lang. normal naman blood sugar ko kaya siguro di na ko pinag test ng ganun.

24 weeks ako nagpa labtest kasama ogtt. Buti nalaman ko agad mataas sugar ko at naghinay hinay nko sa kanin at matatamis.

depende yan sa ob mo. im on my 2nd pregnancy, 7 months. hindi ako pinag ogtt ng ob ko kahit nung unang pagbbuntis ko.

sakin po as early as 10weeks, ni request na po sakin ni OB since may PCOS ako and may family history ng diabetes.