baby gender

hello po ilang weeks or months na yung tyan nyo nung nakita nyo ang gender ni baby? i'm 24 weeks na pero ang ilap pa din magpakita ng gender nya para nyang tinatago sa amin ? totoo po ba yung pag hindi agad nagpapakita ng gender si baby babae sya? Thanks po ?

187 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Before mag 5months nakita ko na. TransV ako kasi nagtatago din si baby pag sa tummy ti ignan ☺️

Same here..turning 6mos hindi nakita gender ni baby kase suhi..😔 pero sana sa sunod na ultrasound makita na..

5y ago

Makikita din yan, ako 6months suhi di makita, pero ngaun okay na, babae siya.,

Sa akin po 24 weeks nalaman ko na gender ng baby ko tapos nagpa ultra ako ulit noong 35 weeks na ako

aq 7months bkita pero 8months n q non na confirm n girl..parang s tingin q pag girl matagl xa makita

3months preggy po pelvic ultrasound for monitoring not expected nagpakita na gender si baby😄👶

sakin sis 19 weeks lang alam kuna. ilap din c baby laging nka indian sit pero di sumuko ob ko haha

Kkapa ultrasounds q lng khapon mamshh.. 21 wks and 5 days kita n gender n baby.. baby boy sya 😊

akin mommy 25weks kita agad gender ni baby kasi malikot.. pag malikot madali makita....

23 weeks si baby ko nung nakita. Baby girl yung akin kita naman agad. depende lang sa position.

nung kaka 5months lng ni bby nagpa ultrasound ako ayun nakita agad na lalaki

Related Articles