Baby Growth !

Hello po .. ilang months po ba usually natututo umupo ang baby ? mag 7 months na po baby ko but ayaw nia pa umupo 😅 pero matigas namn buto nia normal ba ?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

7mos din si baby ko now mi pero hindi pa nya kayang umupong mag-isa. Pag pinapaupo naman sya, nakakaupo naman pero need ng support kasi nga matutumba pa sya. Iba-iba naman ang development phase ng mga bata. According sa pedia namin ok lng yan and mas preffered nga raw nya na mas maunang magsalita si baby kaysa makalakad o makaupo.

Magbasa pa
TapFluencer

Pinauupo mo po ba siya? Sanayin mo lang po, palibutan mo ng unan o kaya yung nabibiling baby sofa ang gamitin niya. Baby ko po hindi pa marunong maupo on her own pero nakakabalanse naman siya kapag pinauupo ko.

isupport niyo po at sanayin, iupo niyo na nakalagay yung dalawang arms at hands niya sa harap sa sahig para makabalance.kahit 5 minutes everyday

continues training lang. sanayin nyo pag nasa kama ipwesto nyo sya. okay lang na natutumba-tumba sa umpisa. masasanay din sila.

VIP Member

Opo mii iba iba po kasi mga babies tsaka development nila. May mas maaga natututo na umupo. Depende parin po sa baby

Ang importante po ay hindi na siya nahihirapan itaas ang ulo niya independently

itrain nyo na po na umupo ang baby nyo with your support