27 Replies
Naku baka po makadami na ng kalmot sa balat si baby nun. Si baby ko po nung nag 1 month pero sabi nila pag kaya mo na daw gupitan, pwede na. Pero talas pa din ng kuko ni baby kahit fnfile din namin. Kaya pag tulog kami sa gabi nilalagyan ko pa din mittens. Pag gising kami, iniiwas na lang pag naiinis at nagkakamot ng mukha.
baka po magmukhang pusa naman mga kuko ng baby mo niyan sa baby ko e 2 weeks ginupitan ko n at tlgang nangangalmot na ihh😅😂 masyado ng mahaba kuko niya kaya pinutulan ko na tas likut-likot p
ako 2weeks lang ginupitan ko na.. pero naka mittens parin baby ko pero after 1 month di ko na pinag mittens baby ko..sa gabi lang pag naka aircon na lang para di lamigin yung kamay.. 🙂
Masyado po matagal. Kahit 1 month po or more Bsta naka mittens sya ok lang pero kung aalisin yung mittens nya better cut the nails. Makakalmot nya lang mukha nya or sayo
after 1month po,kasi sumusunod pa rin ako sa paniniwala,,pero bakit naman po ung mga babies ng artista after 1 week,pinuputulan na,,yong iba nga po,after mailabas
1 week ata ginupitan na namin, kasi kung mabilis lumaki si baby pati kuko nya mabilis din hahaba, eh pg baby po yan oo stage na mabilis lumaki ang bata mamshie
Ginupitan ko agad, para di na magsuot ng mittens. Para nahahawakan ko ung kamay nya at mas nakakapagexplore sya pag walang suot na mittens.
Ako po 3days kasi medyu mahaba na kuko ng baby ko, at sobrang likot matatanggal yung mittens niya kaya no choice ako mommy 😅
before ata sila mag 1 month kasi ang haba na nung pagkalabas pa lang eh, then, tanggal na rin mittens nung nag 1 month sila
hala. edi nakalmot nmn nia yung face nia at msundot ng kuko yung mata. pwdeng gupitan ng kuko khit nga newborn.