First time Pelvic Ultrasound

Hello po, ilang mins po ba tinatagal ng pelvic ultrasound? Nadisappoint po kasi ako sa ob sonologist na nagcheck sakin kanina less than 5 mins lang no explanation pa ang sinabi niya lng is may contraction ako sa loob. Nagpapelvic po ako for gender sana sinabi niya masyado pa daw maliit kaya bumalik na lang after 24 weeks for CAS walang explanation kung okay ba yung amniotic fluid ko, weight ni baby, or ano lagay ng placenta ko. Baka may makapag basa po ng result ko please and any tips po sa contraction aside sa pagtake ng duphaston? Next month pa po check up ko sa ob ko. #20weeks ##pleasehelp #advicepls #FTM

First time Pelvic Ultrasound
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If walang sinasabi you can ask nman po kasi sa ginagawa nila ano nakikita and besides if hindi siya OB mo hindi talaga siya mgsasalita kasi as sonologist lang task niya, yung personal OB mo mgeexplain sayo. You can refer sa diagnosis /impressions ng ultrasound ano nakita niya naiintindihan nman yung words na nakalagay. With regards sa contractions, wag ka gagalaw ng biglaan like nakatiya ka ng higa tapos bigla ka tatayo try to side-lying muna before tumayo and listen to your urinary bladder kasi kung puno medyo may contractions po (based on experience)

Magbasa pa

Swerte talaga pag nakatagpo ka ng sonologist na friendly mi 😊 yung nilipatan kong diagnostic clinic ngayon friendly mga staff. Hindi nakakahiyang mag approach saknila. Nung nag pelvic utz ako nag explain kahit papano yung sonologist tapos talagang nagtyaga sya hanapin gender ni baby ☺️the rest si OB na talaga yun 😊

Magbasa pa

swerte ako sa ob sonologist ko kc kahit hnd sya yung ob ko , iniexplain nya sa akin kung may something kay baby o kaya sa akin, kung malaki ba si baby sa normal size, kung may contraction ba, kung may nakita pa ba sya na hemorrhage etc.. tpos tska sinasuggest na sbhn ko sa ob ko pra bgyan ako ng advice .

Magbasa pa

yung sonologist na nagultrasound sayo, since di nman takaga sya yung OB mo, di po sya ang may right to explain lahat ng results. ginawa lang nya yung job nya based sa request sayo. best to contact ypur Ob. di nman need na hintayin mo ang date ng check up kung para sayo e di ok pakiramdam mo.

2y ago

I appreciate your reply po kaya po nagtanong ako kasi first time ko lang po magpa pelvic at hindi ko alam ieexpect ko na disappoint lang po ako kasi akala kahit konting explanation meron. Thank you po

accdg sa diagnosis sa baba adequate naman po amniotic fluid nyo. at posterior grade 2 high lying placenta nyo, meaning hindi mababa yung placenta nyo. mas mabuti po yan. mukhang ok namn po pero ipacheck nyo po sa OB nyo to be sure.

walang gender nakalagay pero suhi ang bata sis kausapin mo lang lagi baby mo para umayos at hindi mging suhi pra nd ka ma cs😊 i think it's a girl dhil mataas ang heart rate ni baby congrats in advance mommy😊😊😊

Your baby is in breech position which means suhi pero iikot pa naman yan kasi Pag nasa 5-6mos talaga umiikot si baby, Pero based on your result okay naman amniotic fluid mo but better your OB will explain it to you.

same edd, oct 4 din ako. base din sa ultz mo, breech position si baby, means nauuna ung paa nya. but the placenta is high lying so no need to worry. but better to consult sa ob mo. mas maipapaliwanag nya ng maayos.

wala tlaga explanation yan kaya nga nakakaasar un ganyan ie .. kaya lmpat aq ob... bruin mo iba ob mo tas iba i refer nia na mag ultrasound sau tas bblk ka for result para bshn ng ob mo. masyado hassle....

2y ago

Natural lang yan kung hindi licensed sonologist OB mo. Tama yang ginawa mo kung gusto mo less hassle, maghanap ka ng OB na certified sonologist na din para during ultrasound nag explain na rin

high lying naman ang placenta mo tapos GRADE 2. base sa ultrasound 20weeks 6 days ka, ok naman ang amniotic fluid mo. suhi pa baby mo, iikot pa naman yung baby mo.