Any advice or suggestions?

Hello po ❤️ Hingi lang po sana ako ng advice, gusto ko po sana masanay na din yung baby ko mag bottle feed since pinanganak ko po kasi siya pure breasteed lang po bale 1yr & 4months na po siya ngayon. Ayoko pa sana siya mag formula kaso po masakit ng po yung nipples ko since may ipin na po siya though hindi niya naman po kinakagat. Any suggestion po kung ano dapat ko gawin, ayaw nya kasi dumede sa bote gusto sakin padin nakaka awa naman pag grabe na iyak niya 😭 sobrang sakit na po kasi parang nag lalangib yung pakiramdam. Or pwede po kaya ko mag continue ng breastfeed pano po kaya mawawala yung pain ng nipples ko. Gustong gusto ko po mag breastfeed lang talaga, kaso sobrang sakit na po talaga. Thank you po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i started to mixedfeed (breastfeed+bottle feed) si baby at 2 months in preparation sa pagbalik ko sa work from maternity leave. nagbreastfeed sia sakin until 3 years old sia. hindi ako nahirapan magtransition from exclusive breastfeeding to mixedfeeding sa 2 kids ko. s26 gold ang milk nila, no issues. maaaring nagustuhan nila ang lasa. ang issue lang sa 2nd born ko, ayaw nia ng standard nipple. gusto nia ay wide neck nipple.

Magbasa pa