Baka walang ibang malapitan sister in law mo momsh kaya sa inyo lapit ng lapit. Kapatid nya pa din yan, kadugo, kapamilya at mahirap tiisin. It only shows kung gano mapagbigay na tao hubby mo. In my own opinion, okay lang nmn magbigay sa kapatid basta may sobra at syempre dapat priority lagi ni hubby ang pangangailangan nyo ni baby. Kahit sabihin naten na namimihasa ang kapatid nya o sumusobra na kakahingi na parang inaasa na lang yata sa hubby mo at sa nanay nya ang pang araw araw nila, isipin mo na lang momsh na walang nalulugi sa pagtulong sa kapwa lalo na kung yung sobra lang naman sa budget nyo yung ibinibigay ni hubby mo sa kapatid nya at hindi naman nako compromise ng pagbibigay nya yung mga needs nyo sa bahay. Nakakainis talaga yan momsh, normal na maramdaman mo yan, lalo na pag inisip mo na sinasamantala nung sister in law mo yung kabaitan ng mister mo. Tingin ka na lang sa mga positive sides para hindi ka masyado ma stress, isipin mo na super blessed ka kase binigyan ka ng mabait at responsable na asawa na naibibigay yung mga needs nyo, natutulungan nyo yung mga pamangkin nyo at higit sa lahat hindi ikaw yung nasa posisyon ni sister in law na kinakailangan pang manghingi sa iba para sa pang araw araw nila. Isipin mo na lang na totoo mo din syang kapatid, kaiinisan mo pero hindi mo kayang tiisin kapag nakita mong nagigipit na. Maaring sila yung nangangailangan ngayon, sila yung buraot pero hindi naten alam, bilog ang mundo, malay naten someday sila naman yung malapitan nyo pag nangailangan din kayo.
Hayaan nyo na po na si hubby mo ang kumausap saknya at iexplain ung situation.
Anonymous