20 months old baby

hello po, gusto ko lang po mag open up.. tonight, nakita ko sa myday ng friend ko, nagsasalita na yung baby nya word by word alpabhetically. Same age lang sila ng baby ko (20mos.).. Nakaka frustrate lang po, nakaka stress. nakaka pressure. kasi si baby ko kapag tinuturuan ko magsalita lagi lang ako tinatawanan, feeling nya lagi akong nakikipaglaro ganun.. sino po dito same sa case ko?? Marami po syang books and flashcards kaso pinupunit at kinakagat nya lang..My nasasabi naman po sya dede, hindi, no, ma (minsan) kapag umiiyak.. Any suggestion po ano po dapat ko gawin? Salamat po ng marami mga momsh.. ❤

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mag 20 months na din lo ko... Nakadikit sa wall ng room nmn ang flashcards ,ABC, numbers.. minsan nasawa na sa kkalro kaya pag pasok nya sa room nkkita na nya Abc at binabasa nya ito.... Wag pilitin pag ayaw ni baby minsan singit lng yung pag tuturo . may screen time din kami syempre may limit pag sabi na finish , finish na... May time na gusto nya , may time na ayaw. Iba iba din ang development ng bata wag nlng e compare momsh...

Magbasa pa