Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶

ako po madami na pinagdaanan naraspa ng 2019 tas same yr nag ectopic next yr naman naraspa ulit tapos na opera ulit dhl sa cysts pero luckily my isa pakong maayos na matres kaya eto sa awa ni lord nabuntis na ulit ako. kailangan po ng healthy diet para po kung gusto mo magbuntis ulit, ako po 4 yrs nag antay tas nung nagdiet kami mag asawa nabuntis ako bigla, mas si hubby ang nagdiet ang ginawa nyang kanin mix veggies with brocolli and collie flower saka madalas kami mag avocado. tapos sabayan munalang din ng folic acid mas makakatulong yun, saka have faith kay god na magkakabuo din kayo.
Magbasa pa

