Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶

base on my experience, tagal din kami bago nakabuo nuon. nadidismaya na rin ako dati sa sarili ko. may time pa na nag-inom muna kami ng asawa ko para lang may konting excitement yung moment namin pero walang nabuo, wala kaming bisyo pareho. pero one time, nakuryente yung asawa ko naswertehan sya at nakabitaw sya dahil sa impact nung kuryente ay tumalsik sya. mula nun, nagtry kami ulit na mag make love, without knowing na, mabubuo na pala yun. then 2 months na yung baby sa tyan ko, nakunan ako. 2021, full of disappointment and sadness, kase bago pa kami makabuo, tas mawawala lang, hanggang sa nagme-make love lang kami pero wala na sa isip namin na ipush yun to make a baby, hanggang sa namalayan namin isang taon na pala mula nung makunan ako. tas isang himala, ito na may 4months old baby na kami, at marunong na dumapa. kapag talaga pinipilit lalong di dumadating, but when you are patiently waiting, darating sya ng di mo namamalayan 🥹☺️
Magbasa pa

