Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶

kwento ko lang sayo.. alam mo ba yung panganay ko nung 3yo palang siya binalak namin sundan.. as in monthly twing fertile days ko at lalo na pag ovulation dun kami nag ssex kasi balak talaga namin sundan na .. tapos monthly ako nagdadasal sana madelay naman ako ... pero hindi e talagang nagmmens ako monthly... minsan ako madelay tapos negative PT yun pala dahil lang sa hormones... kung anu anu na din ginawa namin nagpaalaga pa sa OB.. pero wala talaga... alam mo ba mii nag isip kami ni mister na hayaan nalang baka hindi pa right time.. bibigay yun ni Lord kung para samin... yung ganyan ang mindset namin alam mo ba bigla ako nadelay nung susunod na bwan.. nadelay ako 11days kala ko sa hormones lang ayaw ko pa sana mag PT e.. pero yun na pala binigay samin si 2nd baby... eto na 15mos na si bunso.. age gap nila ng kuya niya 7years... Wag kayo paka stress... dasal palagi.. ibibigay sainyo si baby sa right time... sa ngayon enjoy niyo buhay niyo bilang mag asawa.. bukod sa supplements mag change din kayo ng lifestyle.. in God's perfect time ibibigay niya sainyo isang malusog na baby .. Godbless
Magbasa pa