Parang nakakasawa ng mag expect😭😭😭
Hi po. Gusto ko lang maglabas ng sakit na loob. Magmula nong makunan ako last year May 2022 di na ako ulit na buntis😭 lagi na lang ako nagpapa check up kasam si Mister, kung ano-ano na ininom kong pampa fertile (Clomidine at Letrazole) nagti-take din ako ng Folic Acid, Myra E, at Ascorbic acid. Si mister naman Rogin E. Kaso wala pa rin.. regular naman menstruation ko at gumagamit din pala ako ng ovulation kit para ma sure kung kailan ako fertile. Di rin kami tumitugil sa kaka pray na magbunga na pagmamahalan namin ni mister. Mga mie, baka meron po dito na tulad namin before tapos ngayon na buntis din. Pa share naman po kung ano ang ginawa nyo or ininom nyo para mabuntis? Ps.Pareho po kaming walang bisyo ni mister. 1st baby po sana namin yung nawala samin nong May. Advance Thank you po sa mga makakapag bigay tips samin para mabuntis🙏🫶

Eto I tried this. Nireset ko yung katawan ko and started detoxifying my body. Uminom ako barley tea every morning and pag may period ako, I use washable napkins na instead of disposable. More water, iwas coffee. Then I got pregnant, mag 4 months na baby ko and healthy sa awa ng Diyos. Pray pray lang. God will give your wishes to you when you’re ready. ♥️
Magbasa pa

