EDI SANA HINDI KA NAG PABUNTIS

Hello po, gusto ko lang mag share ng rants dito kasi wala akong masabihan. Kaninang 9:00pm nagtalo kami ng partner ko dahil naglalambing daw siya na ako na ang mag linis ng arenola, edi nainis ako. Bat ako pa gagawa non eg nag aalaga ako ng baby namin na 2months old. Edi sinabi ko na " Sige pero ikaw ang gigising mamayang madaling araw at mag papadede kay baby" Ganon ang sinabi ko, palit kami kumbaga para alam niya yung pagod ko at puyat lalo na't bf mom ako. Tapos andami ng lumabas sa bibig niya na ikinatrigger ko lalo gaya ng " Sinusumbat mo pag aalaga mo sa anak mo, kung nahihirapan kana sana di ka nalang nagpabuntis sakin" Edi ako sa gigil ko nasampal ko siya. Dala ng inis at galit na din na para bang di niya na aappreciate pag aalaga ko sa baby namin. Tapos dahil nga nasampal ko siya bigla niya binalibag pinto ng kwarto eh, andito kami sa bhay nila. Hays tapos ngayon atm 3:13am na nag dadabog pa mag papalit lang ng posisyon sa higaan. Dko alam. Pero alam ko kailangan ko tiisin to. Nakakabaliw. Halos kakapanganak lang pero lagi niya ako ginaganyan. Nakakapagod. Nakakaiyak. Gusto ko na umuwi samin 😥😭

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply