FLY HIGH MY LITTLE ANGEL

Hello po, gusto ko lang ishare yung karanasan ko sa first baby ko, Actually april 17 pa siya nangyare pero ngayon lang ako nagka lakas ng loob mag kwento? April 15 po ang due date ko, nag lalabor na ata ako nung april 15 kase sobrang sumasakit na tiyan ko, nag punta kami sa Lying in para magpa IE kasi 39weeks and 6days close cervix pa din ako, in IE ako ng midwife close cervix padin kya pinauwi na ako, due date ko na pero close cervix pdin ako, pero sobrang sakit na ng tiyan ko, sumasakit na talaga ng sobra. Nagpunta kami sa ngayon sa Ospital para sana kung sakali imergency cs na ako, pagdating namin don inIE ako ng Doctor siya e, naging 2cm na ako kelangan ko daw magpa ultrasound para makita Findings kung keln talaga daw yung duedate ko. April 16 ng umaga sobrang sumasakit na tiyan ko nagpunta kami sa malpit na ospital n may ultrasound, pero inischedule pa ng april 17 kasi wala yung mag uultrasound sabi nung lalaki na nakausap namin na diko alam kung doctor o hindi, edi pinalipas namin ng isang araw, tinitiis ko nlng yung sobrang sakit ng tiyan ko. Dina ako nakatulog kasi sumasakit n talaga. Kinaumagahan 7am nagtext na yung ospital n mag uultrasound saken, agad kami nag punta don. Ng intay pa kami mga ilang mins dumating na yung dra. Pinapsok na ako sa room, pinhiga at inultrasound, tinanong ako kung kelan last Period ko, e God knows hindi ko talaga alam. Sabi ng dra. Bakit dina lang daw ako mgpa admit kase naglalabor n daw ako nagpa ultrasound pa daw ako, sobrang sakit na kasi talag ng tiyan ko. Fast forward Hinintay namin yung result, habang hinihintay namin namimilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Nung dumating na yung result at binigay samin prang mali ang Findings, kasi ang nakalagy sa result 35weeks palang ako. Dumiretsyo kami agad ngayon sa ospital na nanghihingi ng Ultrasound. Pag dating namin don, pinagbihis ako at in IE ako agad. 5cm na ako. Inadmit na ako ngayon, sinakay ako sa wheelchair t pinunta ako sa kwarto, bsta kwarto siya, tinitignan heartbeat ng baby ko, habang nag lalabor ako, grabe sobrang sakit talaga, First time mom ako at first baby ko, ganon pala kahirap kasi magisa ko lang dun sa kwarto, may mga doctor ata na ewan pero walang ibang topic kung di pagkain (fast forward) Nung sobrang sakit na talaga ng tiyan ko in IE ako ng dra. 9cm na ako kelangan daw 10cm pra paanakin ako. Pumutok na ata panubigan ko non kase may tumatagas na tubig e, para akong mtatae habang nakatayo ako kse pinaglakad lakad pa ako e, grabe sobrang sakit mag labor. Tinawag ako ng dra. Pinahiga na ako. (Ito na, yung diko mkalimutan na experience hnggang ngayon?) Pinahiga na ako ng dra. Nag gloves na siya, tapos ireng ire na ako. Pina ire nya na ako, binibigay ko lahat ng makakaya ko dahil ang nasa isip ko lang is "Kaya ko to, mamaya kasama ko na baby ko" Kada hilab Pinupush ko, diko alam kung expert ba magpa anak yung dra. Pero dalawang daliri lng ginagamit nya yung hintuturo at middle finger lang. Nagsipasok yung lima ata or apat na dra. Or ewan, bsta diko alam kung ano sila don basta lahat bbae, Habang umiire ako, umangat yung higaan kasi pinataas nila ako. Nagagalit na yung dra. Saken pinatayo ako pinaayos saken yung higaan na umangat, kinakabahan na ako, nung okay na Pinapaire padin ako, nka ilang ire na ako pero ayaw padin lumabas ng bby ko? Naka n95 mask ako kasi bawal daw alisin msk. Habang umiire ako tinatawanan ako ng ibang dra. Tintanong kung Nakakhinga pa daw ba ako sa n95 msk ko habang tumatawa sila, ako hirap na hirap na umire pero ayaw pdin lumabas ng baby ko, yung isa habang umiire ako tinatanong family plan ko? yung iba sinasabi buti daw ako may n95mask sila wala, nag hoard daw kami sabi pa nila habang ako hirap na hirap umire? Habang umiire ako, yung dra. Umaalis, diko alam kung san nag punta, inikot ko pa nga paningin ko sa kwarto pero wala siya, yung isa namng dra ba yun or ewan naglalaro ng Plants vs. zombie? ako hirap na hirap na? Fast forward Binibilangan ako ng nagppa anak saken 123 inhale exhale Push, kda push pinupush ko na talaga lahat ng makakaya ko, kada hilab Pinupush ko na lahat ng lakas ko, pero ayaw talaga lumabas ni baby ko nagdadasal na ako ng ngdadasal na Lord Gabayan mo po kami ng baby ko, bigyan mo po kami ng lakas ng baby ko?, yung mama ko nagmamaka awa na ics na ako kasi naririnig niya ako na sumisigaw ng diko na talga kaya. Kasi totoo diko na talaga kaya, dinadaganan na nga ng dalawang dra. Yung tiyan ko, as in dagan talaga pero ayaw padin lumabas ng baby ko, umiiyak na ako, natatakot. Diko na alam, pero ang gulo na ng isip ko non? Hiniwaan pa nga ako, pero ayaw parin talaga lumabas ng baby ko? baka makakain na daw ng pupu sabi ng dra. Kaya ang ginawa naman, Vinacuum, gumamit sila ng vacuum, Dalawang beses ginawa pero Ayaw padin, Inipit naman nila ngayon, diko alam pero may ginawa sila e para mhila baby ko pero wala, ayaw padin lumabas? Hinahanap nila Heartbeat ng baby ko, matagl nilang hinahanap. Nung humihina na daw heartbeat ng baby ko, Dinala ako sa OR? dun palang ako iccs, bingyan ako pampatulog, na cs na ako. Fast forward Pg gising ko, Hinanap ko agad ang baby ko sa dra., Tinanong niya ako kung okay lang daw ba ako? sagot ko "asan po ang baby ko?" Nasa Nicu daw, "Tinanong ko ulit Kamusta po baby ko?" Ang sabi ng dra. Okay ang baby ko, gumagalaw namn daw? Nilabas na ako para ilipat sa room ng mga nanganak. Hinihila plang ako palabas, sinalubong ako ng asawa ko? hinawakan ang kamay ko, tapos sinabing "critical baby naten"?? gusto ko magwala?? hindi ako makagalaw dahil dalawa dalawa tahi ko, sa tiyan at sa private prt ko?? Pagpasok namin sa room ng mga nanganak naayos na yung Higaan ko, at pag higa ko. Umiiyak ako at pinagdarasal na Lord Ibigay mo saken lht ng sakit, parusahan mo ako sa mga kasalnn ko pero Wag mo pababayaan ang baby namin?? Tinawag yung asawa ko sa nicu. Pagbalik niya umiiyak nanamn?? 50/50 na yung baby namin? lumobo yung ulo sa may bandang utak?? puno ng dugo? niririvive?? Tinubuhan? sobrang daming dugo sa ulo nia, tumatagas na nga daw sa tenga niya yung dugo e sabi ng asawa ko dahil nakita niya? Tinawag ulit yung asawa ko sa nicu, pagbalik Umiiyak?? yung baby namin? yung first baby namin? yung iningatan namin ng 9months, yung araw araw kinakausap ko, yung araw araw kinakantahan ko, habang nasa tiyan ko siya?? yung nagpapasaya samin ng asawa ko?? Pumanaw na? Nsa Heaven na? Angel na?? Sobrang sakit? Hindi ko manlang nahawakn, nakita anak ko????? Hindi ko matanggap, hanggang ngayon masakit padin saken? pinapagaan lang ng asawa ko yung loob ko? Sorry, umiiyak na po akong nagtatype, diko na kya sorry po.?

172 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

condolence po... sakin bumababa pa lang heart beat ni baby pag push ko sinabi kagad sakin na ics nila ako kasi pag iniiri ko si baby bumababa heart beat nya. sana naagapan. be strong po. may plan si god☝️para sa inyo.

Nakakalungkot naman po ang nangyari. Kaya ako natatakot na mapunta sa kng sinu-sinong doctor o magpapaanak lng. Masakit man po ang nangyari wag ka mag.alala for sure bibigyan ka pa ni Lord ng babies. Laban lng po. Ingat.

Condolence mommy.😔 San hospital po kayo nanganak? Private po or public? Ang dami ko po kasi nababasang posts na namamatay yung mag ina or yung baby pag sa public hospital po kasi walang pake mga doctors and nurses.😔

6y ago

I swear to my next pregnancy di na rin ako manganganak sa public muntik na din akong mamatay

condolence po mommy... and keep strong...ang bigat sa dibdib mommy mkabasa ng ganito na may nwalang baby... nkaka asar lng un mga doctor at nurse na nkapaligid sau... kpabyaan nla yn kng bat nagka gnyn baby mo...

I felt the agony.. I know si God may plan for your family.. Ang hrap kapag hindi ka kampante sa magpapaanak sayo tapos ganyan kapa tinrato.. masakit sobra.. Yung dinala m ng 9months s isang iglap mawawala.. 😔

Naiyak ako while reading this. Punyeta ung hospital na ngpaanak sayo at punyeta ung mga doktor na walang alam. Mga punyeta sila. Punyeta sila. Tang ina nila makarma sana sila. I’m sorry mommy condolences po.

Naiyak ako sis. Sorry sis ha nangyari sayo yan. Bakit kaya ganon yung mga doctor na nag assist sayo. Di ba sila pwedeng ireklamo? Tagal lumabas ni baby bakit pinatagal pa before ka i.CS . Sorry sis. Hugs!!!!

Nakakaiyak naman mommy, bat ganyan napuntahan mong ospital, walang konsiderasyon sa tao, kawawa mga nanganganak.. Iilan lang talaga ang matino at maayos na ospital, condolence mommy, pakatatag ka po..

Grabe ginawa nila sayo mommy. Condolence po. Rest in peace sa baby angel nyo. Saang hospital po kayo nanganak mommy? Para po maging aware din ang mga mommy dito at maiwasan na yung hospital na yun.

VIP Member

anung hospital yan mamsh? baka pwede nyo po sila idemanda...condolence mamsh.. nkaklaungkot.. pero wag po kayo mawala ng pag asa bka may mas better plan si god.. praying for you po. 😥