My morning sickness stop at 7 weeks
Hello po, grabe po morning sickness ko nung nalaman ko na preggy ako mga 5 weeks tapos nagstop sya after ko uminom ng pampakapit. Mga 7 weeks wala na ko narramdaman hilo, duwal o pagiging mapili sa pagkain. Nagwworry po ako kase sa tyan ko ala rin ako gaano narramdaman. Normal lang po ba mga mommy?
based sa experience ko, 8weeks ako nung nawala yung morning sickness ko pero ilang oras lang yun bumalik din ulit like way ng body na pagpahingahin ako yun sabi ng OB ko. basta po may mga signs o sympyoms ka pa rin na nafifeel na bumalik..basta bilin ng ob ko nun, babalik yan dapat kung di man lahat, pero meron, di daw talaga dapat na wala as walang mafifeel yung parang nagnormal na ulit ang pakiramdam like pre pregnant feeling daw (yan ay kung naglilihi ka nga sunce start tapos biglaang wala). kasi meron po ako kawork na ganyan din. lihi to the max sya from 5weeks til 7weeks then biglang wala na syang nafeel, ang gaan ng pakiramdam nya. akala namin ok lang sabi pa namin nun swerte nya kasi saglit lang sya nagsuka, nahilo, naglihi, yun pala silent miscarriage na yung nangyari. as diagnosed yan ng OB. best to inform your OB po lalo kung ilang araw na walang kahit ano at magaan na pakiramdam mo unlike sa mga unang weeks..
Magbasa paako din po nag stop yung pagduduwal ko at 8 weeks tapos wala lang parang normal lang, nag overthink ako tapos titingnan ko tiyan ko sa salamin parang wala lang bilbil lang sya, kaya nagpa trans v ako kanina okay naman sya, normal lang lahat. Ang nararamdaman ko ngayon is laging gutom.
hello po! normal po mamsh! I'm 10week pregnant pinag dadaanan ko pa din po yan hanggang ngayon mula sa simula basta po sabihin nyo lahat sa ob yung concern nyo ako po ay nag tatake din ng pampawala ng hilo at pag duduwal especially morning sickness
ano po tinitake nyo mhie?
Ay naku swerte mo sis,ako nun hanggang 4months morning sickness ko. Na-ospital pa ko dahil malala tlga. Pa-check ka nalang for tvs. Tsaka wala ka pa tlga mraramdaman at 7 weeks ksi kasinglaki palang yan siguro ng isang butil ng monggo.
Not all the time sis,nawawala nman tlga ang morning sickness pero dipende yan sa hormones ng katawan.
ung morning sickness po natural lang po ung sa 1st tri ang hindi po normal ung wala kau nararamdaman na gumagalaw sa tiyan niyo need niyo po pumunta sa ob para macheck si baby kung ok lang siya
nawawala ang morning sickness pero bumabalik din ako parang pahinga isa o dalawang araw sa pangatlo ayon suka na naman malala
Sakin po, 8 weeks ako nung nag start yung mga pregnancy symptoms ko. Nawala lang sya nung mag 2nd trimester na ako.
ako nmn bliktad.nung 1st trimester wala akong morning sickness.khit lihi.nung ng 2nd tri saka ako nglihi
Yes normal po