curiosity

hello po good morning po hingi lang po ako advice running for 4 months po kasi ni minsan hindi po ako nag suka, naglihi as in hindi po maselan there's a possibility po ba baby boy yung anak ko someone's tell me na ganun daw po unlike pag baby girl thank you po

90 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wala naman sa paglilihi yan. May mga nagbubuntis na grabe maglihi may katulad mo naman na wala man lang naramdaman. Ako 2 baby boy ko pero sobra naman ako naglihi halos lahat ata ayaw ko.

Walang kinalaman po ang gender ni baby sa paglilihi. Hindi ako maselan nung nagbuntis. Actually, masaya ako nung buntis sa baby girl namin. Asawa ko po ang naglihi Hehehehe

ako sa pangalawang anak di ako ngsuka or ngselan as in wla akong naramdaman na hirap akong kumain. kesa sa panganay ko grabe hirap ko nun as in dina ko mkakain. hahahaha.

wala dn po akong ganyan suka, lihi, hilo, etc pero baby girl sa kin. 9 mos na ko wala pa dn. wala po basis yan nagkakataon lang. gender po ay nalalaman sa utz lang.

VIP Member

Ako din hndi maselan at hindi nag lilihi, pero ayoko mag rely sa mga myths kaya waiting pa ko sa schefule for my ultrasound. 19 weeks palang kasi ko hehe

Momsh not true. ako po never ako nag suka. walang morning sickness. I was looking forward na nga na boy ang baby ko pero it turned out na baby girl

Hi! Ganyan din po ako nung nabuntis. Hindi din maselan. Nasusuka lang ako pag nasobrahan ng mantika sa pagkain. Haha! Boy po baby ko. 😊

May mga nagbubuntis kasi na walang morning sickness and naglilihi. May mga ibang buntis na 1 mo. Palang sumusuka na at halatang naglilihi.

normal lang naman yan iba iba padin tayo ng pagbubuntis ako baby girl baby ko pero nahirapan ako nung 1 to 4 months preggy ako.

Super Mum

wala din ako selan/lihi pero girl ang daughter ko. 😊 pwede naman na makita gender ni baby sa ultrasound with your age of gestation