depende po mommy..iba iba kc ang mga tao (nurse at doctor) meron pong public hospital na maganda Ang treatment at meron din po hindi..gaya po dto samin yung public hospital sa Cagayan malaking hospital sya mababait ang mga nurse at doctor kahit yung ibang mga staff dun gaya ng janitor ganun ang babait nila.. tapos yung isang public hospital din dto na isa sa cabagan nman maliit pero Ang susungit ng mga staff bilang lng ang mabait.
1st time mom din po ako at sa lying-in ako nanganak. Mas maganda kung may kakilala po kayo sa lying-in at siya mismo mag aasikaso sa'yo. Mas nakakatipid po kung doon manganak lalo na kung may Philhealth po kayo. 😊Pero kung natatakot po kayo magrisk kung kaya naman sa hospital na lang then go po kayo sa hospital para po doctor talaga mag aasikaso sa inyo.
ako sa lying in din. nakakatakot kasi kapag sa hospital tapos biglang sabihin na walamg available na bed. pero magpapa check up din ako sa hospital para may record din in case na kinailangan kasi first baby ko din
Yun nga mamsh, dami ko nabasang negative comments about sa panganganak sa hospital, kaya gusto ko sana sa lying in para maalagaan tlaga at maasikaso, kaso ang sabi sa akin need daw hospital kasi first baby. pwede po ba un, if nag decide ka sa lying in manganak, then nagkaproblema, pwede po ba na sa hospital na hindi affiliated ng lying in na un ka dalhin?
Sa lying in din ako nanganak sa panganay ko kasi pangit yung experience ng kapatid ko sa public hospital. Okay naman lahat.
Anonymous