How do you wash your LO’s clothes?

Hi po. FTM and currently 30 weeks pregnant po. Naglalaba na po kasi ako ng mga damit and iba pang gamit ni baby. May mga pamana po kasi sknyang damit kaso yung iba po may mga stains. Paano niyo po tinatanggal ang stains? Pwede po kaya mag ariel or izonrox? Although meron ako ditong tinybuds for newborn, pero parang hindi masyado nakakatanggal ng stains po. Pashare naman po ng mga tips paano niyo tinatanggal ang stains and kung paano niyo po nilalabhan clothes ni LO niyo. Thank you po :)

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Vanish gamit namin na bleach para sa damit nya dati. Check the label ng bleach kung chlorine or oxibleach. Chlorine is much harsher, oxibleach may halo lang na hydrogen peroxide (agua oxinada, yung panlinis ng sugat), kaya mild lang sya. Patak patak lang sa stain, let it rest, tapos handwash. Pag natanggal na yung stain, isinasama ko na sa ibang damit nya sa washing machine. Baby detergent and conditioner lang din gamit ko. Kung hand-me-downs, di ko na masyadong pinoproblema yung stains, madudumihan din naman ni baby yan 😆 yun na lang pinapasuot ko pag maglalaro sya ng messy kunwari kakain, gagapang gapang, nung lumaki, pag magppaint kami, ganyan.

Magbasa pa

handwash lahat ng damit ni baby, pag pamana nag zozonrox at tide ako. bka may sakit gumamit or naitago ng matagal sobrang dumi, babanlawan n lng ng mabuti at paplantsahin. depende din kung maselan anak mo. sakin kasi hindi kaya tide tlga pinang lalaba ko.