first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naku sa tingin ko di ka nyan kayang ihandle lalo na pag nag buntis ka.. wag na lang ikaw lang ma istress

hiwalayan mo na hanggat wala pa kayong anak mi, baka magaya ka sakin hehe nasa huli ang pag sisisi

red flag po yan. hiwalayan mo na hanggat di ka pa nabubuntis. jusko. anong klaseng lalake.

TapFluencer

much better na iwanan mo yang asawa mo gusto puro sarap tpos pag nabuo ganyan ang utak...

Magpasalamat ka nalang at hindi kapa nabubuntis ng gagong yan. Hiwalayan mo na agad agad

Kasal man kayo o hindi, iwan mo na yan. Hindi mo na need mag-isip pa. Sira na ulo nyan.

Sayo pa nga lang hindi na mabuti pakikitungo niya, sa magiging anak niyo pa kaya.

dman redflag yan sis. sibat ka na habang wala pa kau nabubuo. kawawa baby mo.

teh common sense, kelan pa naging ok yung mga sinasabi nya sayo?

alam mo na dapat gawin mii . wag ka mag settle sa ganyang tao .