first time

Hello po, first time posting here. Gusto ko lang din pong magtanong. Kapag po kasi hindi kami okay ng husband ko, kahit saan pag galit talaga sya, sinisigawan at minumura nya ako. We're already planning to have our first baby. Excited and at the same time natatakot kasi tuwing magagalit mister ko lagi nyang sinasabi na kapag nabuntis daw ako, ipapalaglag nya yung bata. Tanong ko lang po kung okay lang ba na ganun yung mga sinasabi nya? Natatakot po ako kasi may hika ako and prone to stress which is sinasabi ng mga katrabaho ko na delikado daw sakin kung mabubuntis ako. At sinabi pa ng asawa ko na kapag nalaglag ang baby ay ako ang sisisihin nya. Thank you po sa mga sasagot.

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi miii, have you tried talking to your husband about that kapag hindi sya galit? Baka mas maintindihan ka nya kapag kalmado sya kapag kinausap mo. Kung ako nasa lugar mo, hindi muna ako magbubuntis kasi wala naman assurance na magbabago husband mo after the baby. Better if maayos muna nya sarili nya before having a baby..

Magbasa pa

nakakatakot asama mo mamsh. pano nalang pag nag post partum ka nyan e napaka sensitive natin sa mga panahon na yan. baka atakihin ka ng asthma ng d oras nyan. mas mataas ang ulo kesa puso, isip isip din pag may time. 😅 bumalik ka na muna sa magulang mo at mag file ka na ng annulment dahil sa kanyang pagbabanta.

Magbasa pa

naku hindi po okay yung ganun. may issue yang napangasawa mo. di ko alam pero need nya ng anger management sessions.. kahit anong inis o galut pa never naging ok na sigawan ka esp sa public na lugar. respeto lang ba. you need to think ng bongga... 🙏🙏

Magbasa pa

ofcourse hindi okay un.... ngayon pa nga lang wala pa kayo anak grabe na magsalita yang partner mo how much more na lang kaya kung preggy ka? at kawawa naman ung baby wala pa pero may plan na sya patayin ng tatay nia... medyo nakakatakot pala yang husband mo..

nako. sakin hindi uubra ganyang ugali ng asawa. may trabaho naman ako kaya ko naman sarili ko, kaya kung ako ikaw iiwan ko na yan. hindi ko titiisin na habangbuhay nya akong gaganyanin. magulang ko nga hindi ako minura. kapal naman ng mukha nyan no.

kung di naman kayo kasal wag mo na ituloy. masisira buhay mo jan. ung red flag nyan kasing laki ng mga poster ng kandidato pag eleksyon. save urself and save ur future babies. makakapili ka ng lalaking mamahalin pero ang mga anak mo hindi.

Wala kbang isip mam? pano naman naging okay yung murahin at sigawan ka . worst ssabhin pa sayong ipalaglag ung baby pag nabuntis ka ?😂 Iwan mo yan . Habang di pa ngyayare mga gusto nyang mangyare .. Walang kwenta yang animal na yan .

Bakit ka nag asawa ng may gayan na ugali? wala syang respeto sayo.. Never naging okay murahin at sigawan ka lalu na if sabihin nyang ipapalaglag if ever na nabuntis ka.. lots of red flag.. ayaw mo ba ng peace of mind? Run sis.

Magbasa pa

iwan mo na yan sis mga ganyang lalake walang kwenta ngayon pa ngalang wala pa baby nyo e ginaganyan kana panu pa pag anjan na baby nyo ikaw lang ang kawawa sa huli isipin mo muna sarili mo madami pang lalake jan ❤️❤️

My goodness 🤦🏻 sarap tampalin ng asawa mo. Mahal ka ba talaga nyan? Kung ganyan lang din naman, mapapaisip na ko kung gusto ko pa mag kaanak sa ganyang tao... Baka mag sisi ka pa sa huli, at laging kawawa jan ang bata.