Foods to Avoid
Hello po! First time mommy here. Currently, 10 weeks Preggy po. Super napaparanoid po ako kada may kakainin ako. Feeling ko po kasi lagi maaapektuhan development ni baby 😅 Ask ko lang po if may bawal ba na veggies or fruits or food maliban sa caffeine sweets alak during pregnancy especially during first trimester? Everytime na may kakainin po kasi ako issearch ko sa Google tapos makikita ko parang bawal or di daw maganda kahit fruits or gulay pa po ☹️ Thank you po.
explore nyo Po tong apps na ito. Meron Po ditong mga list ng pwede at dapat iwasang food. but intially ito Po mga dpt iwasan sobrang matatamis na pagkain or may sugar (kape, softdrinks, bottled juice) sobrng maaalat (may asin ung rektang isasawsaw sa asin, may msg like instant noodles) preserved foods (canned goods, hotdogs, suasage, preserved veggies) kailangn Po natin Ang gulay huwag lang Po papayang hilaw may papain at latex content Po kse. alcohol or alak raw foods - ung itlog Po dpt lutong luto. kanin at patatas - mainam pong ilimit kse mataas din sa glucose ok Po ung prutas at gulay lalo na constipated tau during pregnancy. mainam Po ung papayang hinog, lettuce, kangkong, etc. also oatmeal 8 to 10 glasses of water daily
Magbasa paHi mommy! Same feeling nung sa first trimester ko din hehe iwas ka lang sa mga foods na may allergy ka mamsh para iwas complications. Ako kasi non kahit ano lang din kinakain ko esp kung naglilihi ka pero I still keep on eating fruits and veggies para naman ky baby. Kain ka lang pero pag dating ng third trimester mo, start kana mag hinay hinay sa food para hindi na lumaki ng sobra si baby kasi sa third tri mabilis na lumaki si baby ☺️
Magbasa paako momsh ang binawal lang ni Ob ay sweets/soda, fatty foods and coffee. kaya binawal sa akin coffee kasi may family history kami ng hypertension, baka lang daw mg cause ng pagtaas ng bp ko since mejo high risk pregnancy na din kasi 35 yrs old na ako. pero when it comes na fruits and veggies wala sya binawal ☺️
Magbasa paAko po nung Buntis ako nun, Lahat kinakain ko. Maliban lang po sa mga Shells, Inihaw & Delata. Hehe😅 pero bawing bawi naman po sa mga Vitamins simula nung nalaman kong Buntis ako hanggang kabuwanan ko na, Everyday Vitamins. Walang Palya. Nag Anmum din po ako. 4 Months na po Baby Boy ko now☺️💙
Thank you po! ❤️ Nagttake din naman po ako vitamins na binigay ni OB tsaka Anmum Choco 🥰
Ako mi lahat halos kinakaen ko except lang sa masyadong matamis, masyadong maalat. Hindi din ako nag junk foods. Pero nag kape ako nung 3rd trimester na, hahahaha. Wag lang lalagpas sa 1cup. 7 mons na si LO ko ngayon, exclusive bfeeding 💙
Same tayo momsh haha. Pero nakaraos na ko dyan. Anyway, eat ka ng fruits (wag mashado sa matatamis at citrus), veggies, meat, fish. Basta iwas ka lang sa mga sobrang tamis, alat, asim. Less din ang rice, iwasan ang mga softdrinks.
Oo nga naman 😂 Thank you po!
iwas sa mga matamis, salty, canned and processed foods ska mga seafoods na mataas na mercury content na pwedeng mka harm sa brain development ni baby
meron, dito sa apps na ito yung mga food to avoid mii, hindi ko rin alam nun una, inexplore ko lang itong apps ☺️
Thank you po! ❤️
ang pinaka iniwasan ko pinya po, pero meron dito sa app makikita mo yung mga food na pwede at hindi
hi my, pagkain at kalusugan po. isang feature ng TAP super informative pooo. 2nd layer sa taas
Thank you! 🤗