14weeks &4days ang liit ng tiyan

Hello po, first time mom po ako. Normal lang po ba na maliit tiyan ko kahit 14weeks na? nawoworry lang po kse ako. di po kaya dahil sa payat din po ako kaya ganyan kaliit tiyan ko? normal po ba yan? #firstbaby #FTM

14weeks &4days ang liit ng tiyan
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din po una sakin mas flat pa nga po Kasi payat din ako tas maliit ang tyan at bewang. eh tong partner ko iniinggit ako sa lemon na soda tas malamig pa eh that time sobrang init kaya diko din maiwasan umiinom kaya medjo lumalaki yung tyan ko pero 16w and 4 days na ako sakto lang yung laki sa 4 months parang busog yung kinalabasan.

Magbasa pa

ganyan din ako mamie nung 14 weeks palang tummy ko then after ng ilang weeks biglang laki ang tummy ko ,wag mag worry sa tyan kung maliit o malaki the important is healthy ang bebe 😍

Parehas ho tayo nang tiyan, my! I’m already 15 weeks 1 day. Tas parang bilbil lng talaga sakin. Hindo ko pa nga masabe2 sa family ko na buntis ako kasi d namn talaga halata. FTM din

Normal lng maliit ang tiyan. Ganyan din sakin before. Lumaki na lng nung 3rd trimester na ako. Importante mii wag pumalya sa prenatal check up and follow doctors advice.

ganyan din ako ngayon hahaha parang wala lang, bilbil lang ganun. pero sabi nila lalaki den naman daw. basta healthy si baby mo sa loob.

wala sa laki o lit ng tyan yan. tsaka sa itsura sa pic mukang petite ka. so talagang maliit langbdin tyan mo. basta ok sa ultrasound.

1st pregnancy ko, 4 months na nung nagpakita bump niya. Now on my 2nd preg, 2 months palang feeling bloated na ako 😅

ay super normal at natural po pag gnyan weeks plang... don't worry pagdating ng 6 months biglang bundat yan....

gnyn Ako mhi 14weeks and 3dys ko na parang di buntis ei ksi maliit tlaaga ang tyn ko nag worry nga rin Ako eh

miiii maliit man po oh malaki ang tyan normal lang..ang importante healhty si baby..