Small Tummy

hi po. first time ko pong mabuntis. 8 months na po ngayon so expected manganganak ako next month. the problem is maliit yung tiyan ko kahit 8 months na sya. parang 6 months lang yung laki nya. is it normal for first timers na maliit talaga ang tiyan?

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you sis. Yung akin din ganyan huhu kakapacheckup ko lng sa Ob kanina and sabi maliit daw ang tyan ko for 6 months. Ang slim kasi ng katawan ko and 1st baby ko to. Then nung chineck si baby mababa timbang nya para sa normal na timbang ng 6months fetus pero okay naman daw sya. Hopefully mahabol ko ung sapat na timbang nya. Eat heathy foods and take your vitamins. Pray lang din tayo

Magbasa pa

Ang Normal ay depende sa katawan ng babae. As long as lahat ng ultrasounds mo ay okay, then good 👍 Wala sa laki ng tiyan ang kalusugan o pagiging normal ng bata. Usually, 6months start lumolobo ang tiyan ng FTMs, pero depende pa din sa katawan ito ng nanay. Merong sadyang maliit magbuntis, meron din naman malaki magbuntis.

Magbasa pa

Normal naman po ang maliit ang tyan ako nga bigla bigla lang lumaki tyan ko netong 5 to 6 mos na ako samantalang hanggang 4 mos ko parang bilbil lang pero healty naman ung baby ko sabi ng doctor basta importante po ung check up mo para nauupdate ka kung healty ba kayo or hindi

wala naman sa laki o liit ng tiyan iyan Mommy. basta okay timbang ni baby at nadedevelop naman lahat, ay okay na 'yun. lalo pa kung hindi ka naman sinabihan ng OB mo to worry about your baby bump. chill Ma. don't stress yourself.

VIP Member

Yes, hindi pa kasi nasestretch yung tyan at uterus mo kaya ganyan. Meron din kasing maliit lang magbuntis. Nakadepende din yan kung gaano kalaki si baby mo, mas okay yan kasi hindi ka gaanong mahihirapan ilabas baby mo.

same here ang liit daw sa 8 months ng tummy ko. Pero sabe naman ni OB mas okay maliit para di daw mahirapan sa panganganak as long as healthy si Baby. Madali lang naman daw palakihin si baby kapag nakalabas na eh ☺️

Super Mum

Yes, normal lang na maliit yung tummy pag first time mom. Yan lang din tummy ko manganganak na lang ako. Depende rin kasi sa size nung tummy mo prior pregnancy and intact pa kasi yung uterus.

Post reply image
VIP Member

Iba iba PO talaga sis.. 😊 First pregnancy ko nga po parang mapupunit tyan ko..yung last Naman maliit lng 🙂 Depende po SA pag bubuntis sis.. Ang important is complete ang check up at healthy kayu ni baby..😊

Magbasa pa
VIP Member

Hahaha ako naman po 7 mos na pero ang laki ng tiyan ko, first time ko rin, panay inom kasi ako ng tubig.. sa isang araw nakaka 4-5 litro ako minsan anim pa, tapos hilig ko kasi sa matatamis lol. Buti ka pa momsh.

meron talagang maliit ang tummy pag nagbubuntis momy, same sakin nun kala nila 6 months din tummy ko eh malapit na ako mangank nun, basta healthy lang si bby walang problema kung malaki or maliit man po yan