gamit para kay NB baby

hello po first baby ko po yung nasa tummy ko, ask lang po if okay lang po ba bumili ng gamit ni baby sa divisoria or much better kung sa Sm store po like baby company? TIA

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas ok sa divisoria mas makakamura ka. Kasi agad naman nakakaliitan ni baby. Kaya kung pang NB much better sa divi. Ako nga kung malapit lang ako jan nalang ako namili. Kasi malaki difference sa mall price tapos ilang bwan lang daw gagamitin ni baby. Minsan weeks lang daw nya masusuot kung mabilis lumaki si baby 👶🏻😊

Magbasa pa

kung mga damit lng mommy pwede naman sa divi or sa mga maliliit na store, remember saglit lng yun magagamit dahil mabilis lumaki ang baby, but if ang kailangan u is mga electronic or something na sinusubo ni baby much better kung sa mall para lng sure ka, and pwede u pa ibalik if ever may factory defect 😃😃

Magbasa pa

If it's something na isusubo ni baby like bottles better po na sa malls bumili at yung mga BPA free kahit mga sterilizer at breast pump. Kung mga damit lang naman okay lang kahit sa divi kasi mabilis naman lumaki si baby, make sure lang na lalabhan muna bago ipasuot para mawala yung chemicals sa damit.

Magbasa pa

ok lang po sa divi. ikaw nmn bibili kya icheck mo nlng ung mgandang klase like cotton. then labhan mo nlng xa pagkabili. parehas lng nmn din yan sa sm. halos magkamukha lang presyo lng ngbgo. mas wais na mommy parin ung maayos na damit ni baby pero nktipid si mommy

for clothes and other item na saglit lang gagamitin, pwde naman sa divi. bsta you have good eye for quality, ok na ok dun. for cribs, co sleeper, carseat etc. i suggest sa mall ksi staff are trained and can answer questions especially sa safety features. 😊

Super Mum

Mga damit po ni baby yung mga white sa divi ko po nabili maganda po ang quality, hndi naman kailangan mahal or branded yung mga NB clothes kasi saglit nya lang magagamit.. if mga gamit para sa pagdede (kung hndi po kayo bf) mas better po kung sa SM.

wala nmang problema dun sis kung san ka bibili basta marunong kang pumili ng tela .. at alam mong may quality pero mura hindi nman kilangan ni baby ng mamahalin mga pang baby dress kase saglit lang nya gagamitin un.

ung pang new born sa baclaran ko binili hehe tapos ung ibang 3 to 6 months and 6 to 9 months sa mall ko binili .mga bottled sa mall din pang newborn munurahin lang binili ko minsn daw kasi one month lang dna agad kasya kay baby

VIP Member

basta po yung mga isusubo ni baby sa mall nalang then ung mga damit ok rin sa tsangge kasi mura na mabilis lang naman nila malalakihan e. depende naman sa laba yan mommy and plantsahin mo nalang before gamitin ni baby.

Pricey sa baby company, tapos saglit lang din naman magagamit ni baby so mas practical na ung sa divi, okay din naman ung sa dept store, may mga mura ka din na makikita, basta check mo lang ung quality.