39 weeks taking Primrose Oil
Hello po, EDD ko October 22. After po ako na IE ni ob ang sabi sarado pa raw yung sakin kaya niresetahan ako ng primrose oil, intake 3x a day. Ano po experience nyo dito? Ilang days po bago kayo naglabor while taking this? PS. Medyo kinakabahan ako sa mga signs of labor kasi first time pregnancy ko po. Hehe

Ika 39th wk ko po, na-IE ako ni OB. 2cm na ko. Pinagtake po ano evening primrose for one week, pampanipis at makahelp na magdilate si cervix. Pang 39 6/7 wk, balik ako kay OB for follow up, 2cm pa din. Nainduce po tuloy ako. Kinagabihan po non, naglabor na ko. Nanganak po ako @2am. 6hrs labor po mie, FTM din. Pakiramdam ng naglelabor: Sa experience ko po, ung simpleng pangangalay, di pa po siya yun. Makakaramdam po kayo matinding pagsakit ng balakang tapos para kayong mapopoop.Patindi nang patindi sakit at paliit nang paliit po interval. Pag nramdaman niyo to mii, surebol na po manganganak na po kayo
Magbasa paAko mi simula 37weeks nag-take nako ng primrose pero still close cervix pa din. Due date ko dapat nung 17 🥺
same tayo mommy.. oct.22 din due date ko..hanggang ngayon wala parin sign of labor
Kamusta po. Nanganak ka na po?
EDD ko din po october 22 but until now di parin po ako nakakaraos😥
hi Mishi, kumusta? nanganak kna?
Mumsy of 3 sweet superhero