Proper approach to MIL

Hello po. Dito kasi kami ngayon nag-i-stay sa in laws ko...mabait sila sa akin kaya ayoko silang nadidisappoint kaya lang, pano ko kaya sasabihin sa kanila, especially sa MIL ko na ayoko pakainin ng junk foods at sweets anak ko. Naglalagay din sila ng msg like vetsin/magic sarap sa food at yun na din ang kakainin ng baby ko. Ayoko sana ng ganun kasi pag ako ang nagluluto, di ako naglalagay or iseseparate ko muna. I also tried talking to my hisband about it kaso pinagwawalang bahala din nya 😢 Sana po mabigyan nyo ako ng advice. 1yr 4 months palang baby ko

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mas okay if si hubby ang magsasabi mommy. Pero if kaya mo naman, volunteer to cook para mapaghiwalay mo si baby ng food nya bago matimplahan yung para sa lahat. If di talaga maiiwasan, sundan mo na lang ng madaming madaming tubig after kumain. Si baby namen kung anong food dito sa bahay yun din food nya. NagkaUTI na nga kase di masabihan ang mga nagluluto sa timpla. Ngayon more on water lang talaga kase nahihilig na din kumain ng sweets like cake. Pagnakikita din kase nila na nakain ang mga tao sa bahay di naman maiiwasan na di sila hihingi kaya more water na lang after.

Magbasa pa