312 Replies
You just have to discuss it thoroughly with your husband since it looks like he really wants na ipush yung ganong celebration. If nanghihinayang ka sa money sabihin mo na agad sa kanya kasi ang toxic niyan habang nagpreprepare kayo tapos puro kontra gagawin mo sa mga gusto niya. For me, if para naman sa baby and if kaya naman ng budget niyo I think practicality is out of the question na. You earned your money naman so it's your right na magdecide if saan gagastusin and how. Just make sure your baby has enough and sufficient funds para if ever crisis strikes eh hindi kawawa yung bata. Anyhow, your baby, your money, your rules 😊
Natatawa ako kase spending 200k or more is not practical. Pero nasasa inyo naman yan kung kung anong gusto nyo para sa LO nyo and sabe mo nga may pang gastos naman kayo edi go lng, kung nababahala ka na baka may masabi iba wag mo clang pansinin d naman cla ung gagastos dahil sa society natin mapa kamag anak o hinde kahit anong galaw o desisyon mo may masasabi at masasabi cla mapa negative or positive. Plan ahead sa mga expenses, reception down to food and other events sa gagawing occasion ni LO, ur child ur rules tumanggap ka lng ng suggestions pero kung i criticize ka ng iba dnt mind them just do what u think is best for ur LO
At first diko alam icocomment ko. Nalula ako sa 200k na budget para sa binyag. Napataas kilay pako sa sinabi na yung 300k eh pinagtatawanan. Pangkabuhayan na samin ang ganyang budget momsh hahaha. Confused ako sa intent ng nagpost sa totoo lang. Kung iniisip mo ba kung praktikal samin ito para sakin hindi. Praktikal na pagsabayin ang bday at binyag, oo pero bakit iniisip mo pa maging praktikal kung may pera naman pala kayo na kahit umabot ng 400k eh kaya nyo naman pala. Ang pagiging praktikal para sakin ay yung gawin simple ang celebration. Yun lang. Peace to all!
So what's your point ng pagtatanong dito? Ikaw na mismo nakaisip na mahal di ba, so ikaw mag justify sa husband mo. You don't have to brag na you have the means. Many moms here have the means too pero silent lang sila. Hindi sila nagbrag or anything kasi ang pointless ng question mo. Alam mo na ang sagot di ba. Me and my husband spent almost half a million para sa binyag nung 2 months si baby kasi result sya ng IVF which is super pricey dahil may problem sa part ng husband ko. All of our relatives are nasa UK, Japan and Australia. We also have the means too pero di ko naman pinagyabang dito.
u said d gnun kalaki ang 200k so be it, let your hubby decide.. kahit nmn sabihin mong di praktikal momsh e kung iinsist ng hubby mo e wla k nmn atang magagawa.. since mukang malaki pasok ng pera s inyo kya d gnon ka value s inio ang amount na pnag uusapan. dont get me wrong momsh , smen ksi na mahirap lng malaking bagay un ,. sa inyo na may malaking income at may mga bisitang marangya din ang posisyon sa buhay e gagastos tlg si hubby mo ng malaki.. after all si baby nio nmn ang gagastusan.. 😊 if okay ke hubby gumastos malaki support mo na lang pi atleast gusto nia ibgay ang best sa baby nio
Nope sis.. Kung masarap Kayo mag luto mas ok Kung sa bahay n lng venue..pwede Mo n itabi iba as savings mahirap n buhay ngaun Kaya mas ok Kung mag sasave n lng.. especially Kung my means nmn Kayo para makapg ipon Lalo n ngaun n maliit plang si baby.. pero depende sa inyo p din.. Kung ako kc tatanungin mas gusto ko ung intimate n celebration ung tkgang mga close lng pupunta and wla masyado ganap para mkpag catch up sa kwentuhan Lalo n at bihira n lng din nmn ung gnyan n may occasion and mag lalaan tlga time mga kaibgan ntin pumunta. Hehe skin un sis pero Kung gusto mo medyo bonga. Keri lng nmnn
Grabe naman yung 50k ano ba yang pari nio jan kurakot? Samin nga registration fee lang ng mga ninong/ninang at kandila. Dipa umabot ng isang libo 😂 partida 20+ pa yun sila ha. pagkain namin di 20k+ lang gastos iba pa nagastos namin sa 1st birthday. Nag cacanvas sin ako ng ganyang pa cater with designs na with clown pa ha customized na lahat 50k lang namn sinabe saken. Walang hiyang 300k yan ano ba yan binyag o ikakasal na yang anak mo. Mommy wag ka dito mamayabang. Kwento mo yan sa pagong. O kaya sa baliw sa kalsada baka maniwala. hahahaha. Talo mo pa ata artista ah. Ahahahahaha
Ang dami mo update sis. I push mo na yang plan mo maiistress ka lang kakatanong. Mababash ka lang pag pinagpilitan mo ba na you have the means. Kaya nyo pala so why asked? Natural, mga mommies dito more on practicality. Dapat bago ka nagtanong sa app na to, kinausap mo muna ang asawa mo. May magagawa ka ba kung yun gusto ng asawa mo? Kaya mo ba sabihin na wag na ganun ang gastusin? Oh diba ayaw nya pumayag for his own reasons. So what’s the use of asking every mom here? Lumalabas na nagyayabang ka lang nga to disclose pa na you have investments already.
Korek!😂
sis i think you dont really need our opinion kung praktikal yan,kasi pera mo naman yan eh ikaw yung nakaka alam nun,magkaka iba tayo ng status sa buhay,kagaya ng ng sinabi mo may kakayanan kayo na mag provide ng budget na 400k at di ganon kalaki ang 200k sainyo then why asking if its practical?yes may investments ka at insurance kay baby walang nakaka alam kung kailan tayo mangangailangan ng pera,pero sabi mo nga may means naman kayo so anytime naman na mangailangan ka may makukuha ka then go gawin mo yung kung anong tingin mo yung makapag papa saya sayo..
yea sis marunong akong mag basa kaya hindi mo kailangan paliwanag sakin bakit hindi mo balikan yung pinost mo about dun sa iniisa isa mo yung mga bayarin at may naka lagay sa dulo na practical ba?nag tatanong asawa mo?ikaw na din sumagot masyadong mahal para sayo edi yun ang sahihin mo sakanya,and may i remind you sis savings and investment is not the same
To answer your question. Hindi po practical 😊Gets ko din bakit pinuputakte tong post mo. For sure alam mo sa sarili mo na hindi practical yung gagastusin nyo kahit pa you have the means. Pag a-announce ng kung gano kalaki budget mo samantalang araw araw nakakabasa ako dito ng mga mommies na namo mroblema san kukunin pambili nila ng vitamins. Kung ako man nasa kalagayan nila para akong hinihila pababa at pinararamdam kung gano ako kahirap. Gawin nyo kung ano ang makakapag pasaya sa inyo. Kanya kanyang trip lng yan.
Anonymous