Water
Hello po bawal po ba ang tubig sa new born baby? Kapag po kasi sinisinok ang baby ko pinapainom ko siya ng konting tubig. Thanks po mga momsh
BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo.
Magbasa paUng baby q momsh bagong silang q plang nun wla pa aqng milk iyak xa ng iyak kc wla pa aqng milk nagugutom na xa kaya iyak ng iyak.. Ginawa ng mama q palihim nya pinadede ng distilled water kc nga bawal mag bottle feeding sa pinag anakan q.. Aun natahimik ung baby q nung pinadede xa ng water.. Di q nmn alm na bawal pla un.. Awa ng diyos ok nmn baby q.. 3yrsold na xa ngaun..๐
Magbasa pa*Infants ages 0-6 months is not allowed to drink or to given a water it may cause water intoxication. *Hiccups is also natural to infants due to immature or not fully developed air tract. Babies are not bothered to their hiccups unlike older people, even in the womb of the mother babies do hiccups.. Kaya naman okay lang napabayaan pag sinisinok si baby or i-feed ulit..
Magbasa paBawal pa po sa mga nagpapa breastfeed may indicated days kung kailan na po sila owede painumin. Pero sa mga formula milk babies pwede naman na pero sa baby ko kasi 4-5 days ko na siya pinainom since constipated po siya talaga at formula milk siya.
Hndi po pwedeng painumin ng tubig si baby Kung breastfeed pero kung formula feed pwede po kase parang kumakain na dn po sla . Pag naka 2oz po sya pede nyu pong painumin ng half oz na tubig .. un po Sabi pedia ng baby q po .
Bawal po. Toxic pa sa organs ng newborn baby ang water. 6mos. Up pa po dapat. Breast milk or formula ok lang ipainom. Pero normal kasi sa NB ang magsinok kasi part of tje development un ng lungs nila, kusa din namang nawawala.
Very harmful. 6 months pa pde uminom ng tubig ang baby. Pagvsinisinok si baby padedehin nyo lang po... My seminar sa hospital sa first check up ni baby. Dpat alam nyo yun... Or read the book na binigay sa inyu nandun lahat.
anak ko po formula fed due to some reasons.. nagtitimpla nalang po ako ng konting konting milk pag sinisinok. sabi nila mawawala din daw sinok kaso ang tagal naiirita na c LO ko kaya ganun gingawa ko kesa painumin ng tubig lang
tama po yun momshie, bawal pakase sila sa pure water.
saken kse ilang days plng ung bby ko pinatubig ko na po kso drops lng po gmit ko patak2 lang, pra makainun siya ng tubig. kse ung isang dede ko pra s tubig di niya mddean kse lubog ung nipple ko.
d po true ung kabilang dede ay water. pareho lng po ang content ng both breast. water is dangerous sa baby below 6months. bka magkawater intoxication
BIG NO! Bawal talaga hayaan mo lang yung ainok kase mawawala naman agad yan eh, ang breast milk po kase 80% water na. Pwede lang iminom si baby kaapg 6 months qnd up na.
Excited to become a mum