Due Date - please help

Hello po baka matulungan niyo ako dahil litong lito na po ako. Sabi po ng ob ko ang sinusunod na edd ay yung unang ultrasound. Nung nov po nagpa transv ako JUNE 13, 2021 po ang nakalagay. Last menstration ko po SEPTEMBER 27, 2020. Nagpa ultrasound po ulit ako itong MARCH 1, 2021 ang edd na po ay JULY 4, 2021. Pero sabi po ng ob ko ang susundin daw po ay yung unang ultrasound na edd which is JUNE 13, 2021 po. Bale binigyan niy po ako ng safe date na manganak. MAY 23, 2021 hanggang JUNE 2nd week. Ang concern ko po paano kung nagkamali pala yung una kung ultrasound dahil sa mumurahin lang po ako nagpa ultrasound non. Paano po kung kulang pa pala sa buwan ang baby pero ilalabas na nila ng maaga? Dahil ang sabi po sa akin mas mabuting maaga lumabas? Hays mejo nalilito lang po ako baka po matulungan niyo po ako. Salamat po. God bless!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa date po ng last menstruation nyo kayo mag base kung regular ung period nyo prior pregnancy. Un po ang pinakasafe pagbatayan.

3y ago

Pero ang sabi po ng ob ko mas mahalaga daw po yung unang ultrasound, yun daw po ang susundin :(