Mix

Hello po, asko ko lang po mga mommy's 27 days pa lang po baby ko, kakastart ko lang po ngayon magpafeed sa bottle nestogen po milk nya. Sabi ng pedia nya every after 2 hours ko daw sya padedeen Breast feed tapos Bottle feed then BF daw ulit. Pwede po ba yun kakadede nya lang po ngayon bottle feed tapos hindi sya nakontento pwede po ba iBreast feed ko kaagad sya? First time mommy po kasi ako at kaming dalawa lang magkasama, di ko po kasi alam kung ano dapat gawin.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

I think okay lang mommy, kasi mukhang nasa stage pa si baby ng growth spurt. Basta ipaburp lang si baby after feeding. πŸ˜‰ Ask ko lang din mommy, bakit nag mix feeding na si baby? πŸ™‚

5y ago

Halla. Bakit naman daw po wag pure breastfeed? Kasi mas okay sana ang ebf lalo sa panahon na ito, kasi sa breastmilk sila nakakakuha ng mga antibodies to fight viruses. About naman sa milk production, naffeel mo po ba na soft lang ang breast mo? Parang walang laman? Kasi normal yan eh, ganyan ang breast ko ngayon, pero malakas naman ang milk kahit na soft and hindi mabigat. And sa feeding, mukhang okay naman na ganun gawin mo. Tip lang din mommy, mas okay na mag unli latch si baby para mas lalong may produce ang breast ng milk. 😊