Pregnancy test

Hello po ask lang kung positive ba to or hndi. Nakailang pt na ako pero sa una its negative pero After an hour pag ka check ko may faint line is it Postive or negative? Plus 2 months delay and i have pcos. As u can see the photo there’s faint line. Pls answer my question. Thank you..

Pregnancy test
23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Negative. Evaporation line po yan kung after an hour lumabas. Ang second line ay lalabas agad depende sa nakasulat sa instructions ng PT (3 or 5 mins, depende sa instructions). Also, may kulay ang 2nd line. Kung 2 months delayed ka na, dapat by now, malinaw na ang second line. Consult your OB para makapag pa check ka na. With PCOS very inconsistent ang period so mahirap matukoy kung delayed na ba talaga, may possibility kasi na di ka talaga nago-ovulate.

Magbasa pa

ganyan din po ako before 4weeks delayed palang ako nagPT na ako nung una walang faint line then after ko magpapractical exam sa mga students ko pagbaba ko chineck ko may lumitaw na faint line. Kinabukasan nagpacheck ako sa OB positive daw po preggy ako 5mons preggy na po ako.☺☺☺

ganyan din ako before mumsh! pero hindi naman inaabot ng one hour bago lumabas yung 2nd line. my pcos din ako before so i thought impossible na mabuntis pero nung nagpacheckup ako yun positive siya.. better consult an OB na din para sure ka.

TapFluencer

try niyo po mag PT first thing in the morning na makakaramdam kayo na iihi na kayo mas accurate daw kasi yun para malaman if positive talaga. wag ka din bumili sis ng mura masyadong pt test dun kana po sa medyo pricey pero quality naman.

Negative po. Dapat ang 2nd line lilitaw within 3 minutes. Pag lumagpas na ng 10mins to 1hr, evaporation line na po yan. Kung gusto nyo makasigurado, pwde ka pa blood serum after 3 days, kun delayed ka na rin talaga.

2y ago

ganyan din po sa akin 2months delay na rin po aq.next week pa sched q.

usually po 5 mins lang valid ang result ng pt kung magka faint line man po yan after an hour or more maybe evap line na po yan, better to check again or go to your OB. Bigyan ka ng request ng transV para sure

If Pcos po, baka delayed lang po talaga. Pa check nlng po sa OB and pa TVS kayo to double check. O di kaya pa beta HCG po kayo mas accurate. Pero ung PT niyo po mukhang negative ata eh.

ganyan din ako dati mommy..faint line..hanggang sa posittive na talaga..antayin mo lng..wag magmadali... ngayon 2 months pregnant na ako..kaya pray lng mommy..

negative. pati yung faint line sobrang labo. makikita mo lang kung talagang aaninagin mo kaya evaporated line lang yan. may pcos ka kaya yan reason bakit ka delayed

2y ago

ako nga po delay ng april to may ..bali two months na po ..ang huling period ko is march 28to april 1 ..pero umiinom po ako ng pills ..tpos mga kataposan ng april di ako nagkaron hanggan may ..tpos may 2 po nilabasan ako ng spotting jelly sya na may dugong kunti ..kya sbi ko buntis ako ...tpos mga May 9 nagpt ako pero negative nman cya tpos kinagabihan nkakaramdam ako ng pintig at cromp sa tiyan ko ....every week ako nagpt pt ..kc bka di pa tlga makita ang result na posetive ..pero ang lumalabas po tlga ay negative po ..nka tatlong pt ako nong MAy...tpos nong june 1 ng mga 10 am nagkaron ako ...sbi ko bka hindi magtuloy tulog ang period ko ..pero hanggang gabi nman meron ako at hindi huminton hanggang 3 day po akong meron ....at mga june 4 nagpt ako para sure kung buntis ako or hindi ....paggising ko po ng umaga nagpt ako negative naman po cya ......tpos june 5 to 6 nilabasan ako ng brown discharge ......nanood po ako ng youtube ....before and after po tlga pagnilabasan daw ng brown d

ganito din first pt ko, at first akala ko negative but after a few hours lumabas ung 2nd line pero fade lng. after a week ng PT ulit ako and postive sha