Ultrasound EDD

Hello po. Ask lang ako regarding ultrasound. EDD based po sa last menstruation (LMP) ko po is May 18, 2024. During pregnancy ko po, 3x po ako nakaultrasound. Yung dalawa ko pong unang ultrasound (same po na clinic) ang EDD (AUA) sa una May 17 and yung pangalawa EDD (AUA) is May 16. Ngayon po 38 weeks na ko..nag pa ultrasound po ulit kami sa ibang clinic namn po. Nagulat po ako ang EDD (AUA) na po is May 29, 2024. Masyado pong lumayo sa dating EDD ko. Naga worry po ako, baka may ganito din po kayong na experience. Kasi kung susundin po itong last ultrasound, 36 weeks pa lang pala po ako ngayon. Ano po kaya reason? Alin po kaya susundin? Thank you

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din nangyari saken momshie biglang super late ung EDD ni baby pero wala ni isa man sa ultrasound ang sumakto hehehe, ultrasound kasi is based sa estimated size ni baby kaya dun sila bumabase ng EDD pero depends pa din kay baby kung kelan siya ready lumabas, safe delivery po