Pregnancy At Work

Hi po. Ask ko lng kung may experience na ba kayong naging grounds for termination sa work ung Sick leaves nyo po na advuse ng OB na mag bedrest po? Kasi ung akin may medical certificate naman po pero parang pinag iinitan ako ng mgr na bakit ung ibang buntis kaya naman daw pumasok araw araw. First pregnancy ko po kasi kaya ko naman po kaso sakit po talaga sa likod nakakangawit. Call center agent pa namn po ako nightshift and 8hrs nakaupo.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, hindi po dapat maging grounds for termination ang leave during pregnancy as long as may medical certificate na signed ni OB. I-DOLE nyo po kung ganyan. Sa call center din ako nagwowork at mula nung nalaman kong buntis ako, nagleave na ako until manganak. Diretso mat leave. Mula August 2018 yun mommy hanggang June 2019 pero hindi ako naterminate. I always make sure na may med cert ako every month since 30 days lang ang binibigay na leave ng OB ko. Never po ako nagkaproblem dyan. I-raise nyo sa HR muna kung ayaw nyo po sa DOLE. Pero di po kayo dapat matanggal kung may med cert kayo.

Magbasa pa
6y ago

Naku mommy wag nga sila. Iba iba ang nagbubuntis. Kaya naman ako nakaleave kasi high risk yung pregnancy ko, low lying placenta saka threatened abortion yung diagnosis sakin. Kung meron naman diagnosis yung OB mo na ganun na makakasama sa pagbubuntis mo anong laban nila.

Related Articles