Ayaw na gaanong dumede ng 2yrs old baby ko at napakapihikan sa foods.

Hello po ask ko lang po sino po dito nakaka experience na mommy na tulad ko, dina gaanong dumedede yung 2yrs old toddler ko, formula milk po sya. Dati sa loob po ng 24hrs nakaka 8 bottles 7 oz po sya, minsan 9 bottles pa. Ngayon nakaka 3 bottles 7oz nalang po sya. Tapos napakapihikan pa sa foods. Nahihirapan napo ako. Mas gusto nya kainin mga unhealthy foods πŸ˜”

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

tyagain nyo lang momsh pakainin sya ng masustansya, mahirap oo pero ireintroduce nyo sya by tweaking the recipes ng mga healthy dishes. yung gulay, wag nyo ipahalatang gulay even yung fish. wag nyo lang ppwersahin at baka lalo di kumain. paunti unti lang. umpisahan nyo rin sa gulay na manamis namis like kalabasa at papaya tapos everytime na kakainin nya puriin nyo para rewarding sa kanya yung pag kain nun at alam nyang maganda sa kanya kumain ng gulay. sa snacks, invests on fruits instead mga processed. may mga mura naman na fruits yung mga seasonal. you can never go wrong sa saging. mga ganun. medyo mababawasan talaga yung pagdede nya kasi nga mas kumakain na sya. kaya mo yan momsh.

Magbasa pa
Related Articles