Hindi pa sure

Hi po. Ask ko lang po sana may makasagot kahet papano kase di ko na rin po alam iisipin ko. Sumakit po kase sobra puson ko nung nakaraan oarang may hangin na madami or di makalabas na di ko alam, sabay may masakit rin po sa kaliwa kong puson pag nakilos ako. Pero after nawala rin po bale kirot kirot na lang po or parang hilab basta ramdan ko medyo masskit pa rin puson ko. Nung kinagabihan po may 8 beses pong pitik sa puson ko sunod sunod, nass isip ko po baka taba lang or laman reactions from muscle. Then sumasakit din po dibdib ko kahet na april 13 pa po ang next mens ko. Nagpoop din po ako kanina, una di naman po masskit puson ko pero nung i think dahel sa medyo napadami po ere e sumakit po gitna ng puson ko after kumirot na po sya and then sa kanan din po kumirot. Pero i dont experience any spotting naman po. Iniisip ko po kase baka may sakit ako or buntis. Pero hindi naman po ako nakakaranas ng suka, hilo or sakit ng ulo. Dati po kase nagpa OBGYN nako dahil sa pitik pitik sa tyan and puson ko pero waka naman po silang nakita, pero ngayon po sa puson na po lahat ng pitik. Hingi lang po sana ako advice sorry medyo mahaba. Salamat po sa sasagot 🥰

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nag PT ka na po ba? Mag PT ka to rule out if pregnant ka. If negative PT ka naman at concerning ung discomfort mo sa tiyan eh pacheck up ka na sis. Napakadaming organ natin sa abdominal area. So madaming possible reason ng discomfort mo. Ung OB kasi pang buntis lang sila so if hinde ka pregnant hinde nila yan makikita if me iba ka pa problema.

Magbasa pa

Kung hindi pa po kayo delayed, baka nga po hindi symptom ng pagbubuntis. Dahil may pulso po talaga tayo sa tummy area kahit hindi buntis. Abdominal aorta. Pero pwede naman po kayo pacheckup ulit para sure dahil mas doctor po makakasagot ng tanong nyo po.

Hello. Nag try ka na ba mag PT? kasi kung hindi naman at hindi ka delayed bka po iba ang cause ng symptoms mo. Kasi doc lang po makakasagot nyan. Kung pregnant ka naman po if ever is hindi dn po pareho un nararamdaman ng mga preggy.

Try ninyo po magpacheck, baka may gastrointestinal problem din po kayo. (problem sa stomach/ intestine).

try mo mag patingin ,,kasi yung ganyan sa kawork ko kala nya pregnant sya pero sakit na pla ,,