PLAGIOCEPHALY

hello po! ask ko lang po sana kung meron po ba sa inyo na may plagiocephaly (dapil na ulo) ang anak. 5 mos. na po kasi baby ko pero di pa rin po nababalik sa dati yung position nung ulo nya. kahit lagi ko po sya tinatagilid at haharangan ng unan, minsan nga po wala na space sakanya basta maitagilid ko lang po sya para bumalik yung ulo nya pero ganon pa rin po e. lagi nya pa rin po binabalik yung ulo nya pa left side. nagwoworry po ako kasi baka ma bully anak ko pag pumapasok na sya sa school 😥ano po bang way ang ginawa nyo? kasi may nabasa po ako dito bumabalik din daw po yung ulo nung baby nila nung natuto dumapa. lagi ko naman po dinadapa yung baby ko pero ganon pa rin. meron naman po ako nabasa na need nung helmet therapy. meron po kaya dito sa pilipinas non? please help po! 😭 #firstimemom #plagiocephaly

PLAGIOCEPHALY
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nbsa ko Po until 1 yr old nmn ung shaping ng ulo ni baby e. more on tummy time tlga and dpt iba2 position kpg nap, left or right pero to ensure din paconsult na lng sa pedia. cs aq so ung ulo ni baby buong buo Ang haba sa likod, nung una Lage syang nakaleft side, Hindi nya kya sa right side, nagworry din tlga aq, pinapaling ko sa kabila ung ulo kse nga di n rin pantay, so far nmn 3 months na sya left and right marunong na. Lage ko syng tinatummy time. tinanong ko noon pedia qng ok lng ba palging nkaleft side Sabi nya hayaan lng, may knya kanyng preferences Ang mga Bata. wag ding lagyan ng unan dpt flat lang kse ung leeg bka magcurve nmn. wag na wag ding hilutin Ang ulo bka lalong maiba shape.

Magbasa pa

Yun baby ko mii nun lumabas medyo tabingi na talaga, tas ang hilig nya tumagilid nun baby sya, kahit days old palang sya nun, pero binabago ko lagi pag nakikita ko tumatagilid kaso dina sya bumilog talaga, kung ano anong unan pa na pangbaby binili ko pero ganun na yata talaga. 9 months na sya now, habang lumalaki sya mas hindi naman na ganun kahalata. Okay lang naman, sabi naman ng pedia nya wala naman effect sa kanila yan. Importante healthy sya. Pero kung bothered ka talaga mi ipa-asses mo nalang sya sa pedia or sa health professionals.

Magbasa pa
TapFluencer

I remember my batchmate in college, ganyan head shape nya, very successful sya ngayon with his business, he doesn't have bullies naman, and he openly shares his story to us, kung bakit ganon head shape nya. I think as long as your baby gets the love they deserve, hindi naman makaka affect sa kanya yan. Pero try consulting your pedia for the helmet therapy, di pa kasi uso sa atin yan, pero may naoorder sa amazon na corrective helmets for baby. ❤

Magbasa pa
2y ago

thank you po, nakakagaan ng loob ❤️

ganyan din Ang baby ko nabili narin Ako Ng pillow for flat heads hndi ko alam kung Mai effective eh wla Rin naman nabago. pero patuloi parin ung side left right sa head Niya . nakakawala Ng gana pero need Po Ng love ung baby takot din Ako bka soon ma bully Siya pero pinapaubaya ko na lahat sa Diyos He is a miracle worker Po e pray Po natin lagi na maging okay na ung head shape Ng baby natin Po. wag mawalan Ng pag-asa, keep on praying 🙏

Magbasa pa
Post reply image

mommy medyo hilut hilutin niyo ng hindi masyado madiin Pag nakaupo si baby... continue niyo lang patagilid tagilid si baby wag po mag pillow kasi Pag may pillow lalo di nakakatagilid ang head ni baby.. yung panganay ko di pantay ang head Pero naayos naman bago mag 1yo.. eto si bunso ko since birth ang perfect ng shape ng head kasi yung pillow niya nasa ilalim ng bedsheets kaya nakakatagilid ang ulo at lagi din Naka tummytime

Magbasa pa
VIP Member

bili ka po mamsh ng head shaping pillow pra kay baby. tpos tummy time. and sympre as mommy, magtiwala ka. baby ko humaba ulo kasi antagal ko naiire , malaking baby kasi. nung di nako nabobother sa ulo nya, ska ko npansin na nagnormal na head shape nya. ☺ako kc mam, flat likod ng ulo ko. nabubully dn ako noon pero unbothered lng laban. hehe. bsta ramdam ng anak mo na kakampi ka nya, yan mggng lakas nya. ☺

Magbasa pa

Kaya pa po yan mi. Sa baby ko ganyan din po dati pero simula po mag 7 months sya gusto nya lagi nakatagilid matulog kaya ang ginagawa ko po dun ko sya pinapatagilid sa side na kailangan maayos. Ngayon po 11months na si baby ko umayos na po ulo nya. Pantay na po. Alagaan mo lang po mi sa pagpaling.

Parang ganyan dati ulo ng anak ko 2years old na sya ngaun di na sya tabingi at normal na ginagawa ng mama ko kasi minamassage nya lang pababa yung ulo ng anak ko pagtapos maligo. Pero sabi din nmn samin ni pedia nun babalik din sa normal yung ulo ni baby gawa lang daw yun sa pag kakaire ko..

baby ko rin 2 months cone shape head niya. sabi babalik din daw sa normal yung sahpe ng ulo days after birth pero ganun pa rin ulo niya di nag bago. nag wo-worry nga rin ako .minsan pinahihiga ko siya ng patagilid left & right. may chance pa kaya mag normal ulo niya mga mi?

Post reply image

yung baby ko nman mi,2 mos. old,tabingi din ulo nya kc nsanay sa left side lang pagtinatagilid ko kc bumabalik din sya pa left side. pero naalala ko yung 2 ko anak lapad din dati eh pero umayos nman nung natuto n cgro ipaling paling ulo nila.

Related Articles