PLAGIOCEPHALY
hello po! ask ko lang po sana kung meron po ba sa inyo na may plagiocephaly (dapil na ulo) ang anak. 5 mos. na po kasi baby ko pero di pa rin po nababalik sa dati yung position nung ulo nya. kahit lagi ko po sya tinatagilid at haharangan ng unan, minsan nga po wala na space sakanya basta maitagilid ko lang po sya para bumalik yung ulo nya pero ganon pa rin po e. lagi nya pa rin po binabalik yung ulo nya pa left side. nagwoworry po ako kasi baka ma bully anak ko pag pumapasok na sya sa school 😥ano po bang way ang ginawa nyo? kasi may nabasa po ako dito bumabalik din daw po yung ulo nung baby nila nung natuto dumapa. lagi ko naman po dinadapa yung baby ko pero ganon pa rin. meron naman po ako nabasa na need nung helmet therapy. meron po kaya dito sa pilipinas non? please help po! 😭 #firstimemom #plagiocephaly
may snasabi po mga matatanda e pra maging bilog ang ulo ni baby yun pong katsa o kya kumot dun po nilalagay si baby pag matutulog tapos tuwing umaga at hapon alagaan sa oil at himashimasin ang ulo ni baby pabilog
Ask your pedia po if possible na gumamit si baby ng helmet to correct the head shape. Mas maaga maagapan, much better.
Meron yun treatment na ginagawa parang nilalagyan ng cast yung ulo para umayos yung shape. Consult mo sa pedia sis.
madadaan pa pu yan sa hilot tuwing umaga baby ko pu nun mahaba ulo pinagtiyagaan ko lang hanggang sa naging ok
miii pag po ba sa right Po patagilid c baby talagang babalik SA left side? miie nakakabuti siguro pa check Po c baby
thank you po sa lahat ng nag advice ❤️
Hello mi. Kamusta na po baby mo?
better to be asses by pedia