Manas at 36weeks

Hello po ask ko lang po normal po ba na manasin ? First time ko po manasin kung san malapit na ako manganak huhu ๐Ÿ˜ข natatakot lang ako kasi sabi nung iba di dw normal . #1stimemom #advicepls #pleasehelp

Manas at 36weeks
11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po pero macocontrol naman para hindi sobrang manas. Elevate mo po paa mo. If nakaupo ka mas okay kung level or may patungan po. More on water ka. Iwas salty at if possible less no rice para hindi na bumigat si baby kasi may naiipit yan na ugat sa may pelvic like oxygen hindi nakaka akyat papuntang heart kaya nagkakamanas or namumulikat.

Magbasa pa

Ganyan din ako a few weeks bago manganak. Water retention lang and usually nawawala din pagitinaas ang paa. Kung ok naman po bp nyo sa mga huli nyong ob check up, don't worry po. Pero kung bigla pong nanlabo ang paningin, biglang nagsusuka, sobrang sakit ng ulo, punta na po sa ospital.

normal lang po yan mommy kapag malapit na talaga manganak lagi po kayo magsuot ng medyas tapos lakad lakad medyo iwasan na po ung pag tulog aa tanghali tpos pag nakaupo po wag nakalaylay ung paa.๐Ÿ˜Š

VIP Member

Normal. Inom po kayo madami water at wag lagi nakaupo o nakahiga. Lakad lakad at tayo tayo din minsan. Iwas din sa salty foods.

Normal ma pag mej malapit na manganak :) basta elevate mo pag nagpapahinga ka..

gnyan ung nkikita ko sa iba pero nong nkpanganak n aq ska aq minanas ng sobra

Normal lang yan mamsh ganyan din ako days before ako manganak ๐Ÿ˜Š

VIP Member

Normal due to water retention dahil malapit na manganak

normal lang po if malapit na manganak..

normal po kapag lapit ng manganak po