23 months pregnant
Hello po 😊 ask ko lang po need po ba talaga ng cbc,platelet count,wbc w/ different count, blood ABO typing,rh typing,vdrl,hbsag at hiv test?? Ang dami po Kasing ipapatest , kayo po ba mga mommy nirecommend ba ng ob nyo yang mga yan? 23 months na po tummy ko. Salamat po sa sasagot😊. #1stimemom
yes, pinapagawa din sakin ni OB yan. kasi dyan malalaman kung anemic ka ba (mababa dugo) or may underlying conditions ka. mataas sugar or mababa. diabetic ka ba or hindi. mga ganung bagay tska hahanapin daw yan once na nanganak ka. kaya ipush mo na yung pagpapa lab test ng mga yan para malaman mo din kung okay ba lahat or may need ka tutukan.
Magbasa paYes required po talaga. 6 weeks palang ako meron ng ganyan ang pinagawa ko muna cbc, urinalysis, transV and papsmear, then last month ko ginawa yung iba pa, pero may blood chem ulit at urinalysis ang package nila is Php1900. 28 weeks na ko today pagbalik ko for follow up saka naman ako pa ultrasound for gender.
Magbasa paYes mommy required talaga ang lab tests para maiwasan yung complications during pregnancy. Dyan malalaman if may problem tayo sa dugo na pwedeng maka-hawa kay baby or maka-affect sa development niya and magbabase din dyan yung OB kung may iba pa ba siyang need ireseta sayo. ☺️
Yes sis ...need yan para din mabawasan anxiety mo kung magiging healthy ba pagbubuntis mo...maganda kung malaman maaga if may problema bago ka manganak ..ako nga pinatest agad ako 1st trimester pa lang...and so far healthy naman.
buti ka pa mommy. ako medyo mataas sugar ko kaya binigyan ako gamot tas nirefer ako sa doctor
Need po talaga mommy. As early as 10 weeks may lab request na from my ob para maassess if anong vits or if may medication na kelangan, mga foods na iiwasan, etc. then another lab test on the 6th month po. take care. keep safe.
Ngayon po Kasi mommy need talaga Yan . hindi Lang Yan mommy marami pang lab .lalo na Kung Di normal mga results ng lab mo..Meron pa ung ultrasound apat Yan ☺️ TransV , pelvic,CAS at BPS ☺️Meron din sa sugar.
opo mommy need Ka po mamonitor pati si baby Kaya po need po talaga Yan .
Pagawa mo na yan agad mii para di ka na aligaga pag kabwanan mo na.. Kasi yan kelangan mo ikeep para pag iaadmit ka na di ka na hahanapan pa.. At pag malapit ka na talaga manganak magpapa repeat ulit ng cbc at urinalysis nalang..
opo mommy kakatapos ko lang kanina . nakita sakin medyo mataas sugar ko huhuhu , delikado po ba un para sa buntis??
diko alam kung need talaga, pero nirequest din ako ng o.b nyan, ayun kakatapos ko lang kahapon. negative naman lahat ❤️❤️ non ko lang din nalaman bloodtype ko, biruin nyo 28yrs nakong walang alam sa dugo ko 😂😂😂
buti ka pa mommy negative lahat . saken ung sugar ko medyo mataas
ako as early as my 2nd month nirequest na agad ni OB na laboratory for first trimester. to make sure na walang magiging complications.
According to my OB, nire-require dw nila yan asap para ma iwasan mga complications and maagpan ng maaga ang dpat maagapan. Ako gagawin ko yan sa next month which is sa pang 16wks ko.
Got a bun in the oven